Willing Willie, to be off the air?

ADVERTISING

Willing Willie, to be off the air?

Willing Willie, to be off the air?LUMALAKI NA ANG kontrobersiya na nangyari sa Willing Willie ni Willie Revillame. Matapos makumpirmang on hold muna ang TV ads ng Mang Inasal sa show ni Willie, ngayon naman ay parang may kumakalat na balitang gusto munang pansamantalang itigil ng TV5 ang pagpapalabas ng programa ni Willie.

Wala pa namang kumpirmasyon tungkol dito pero bakit may ganitong usap-usapan sa internet? Bakit may kumakalat na ganitong tsika?

Can afford ba ang TV5 na isara maski na pansamantala ang show ni Willie gayong punung-puno ito ng commercial at malaki ang following nito? Kung temporary nila itong ipasasara, saan na magpupuntahan ang mahihirap na pala-ging tinutulungan ni Willie?

Talagang malaki pala ang impact kung ganoon ng pagsasayaw ni Jan-Jan sa show. Lahat kasi ay nag-react, hindi lamang mga ordinaryong mamamayan kundi maging ilang celebrities at maging government officials.

ADVERTISING

Sa ngayon ay under observation pa ang show at may mga pagbabago na silang ginagawa para hindi na maulit ang pangyayari.

LIVING INDEPENDENTLY NA pala si KC Concepcion ngayon.

“I moved out na po. Finally po, after three years of being home, I was able to move out. Parang mas nage-gain ko na po ‘yung independence ko and totoo pong ganoon. Mas nakikilala mo ang sarili n’yo when you’re separated from your comfort zone,” tsika ni KC sa ibinigay na birthday presscon sa kanya.

Major adjustment para sa dyowa ni Piolo Pascual ang pagtira sa sarili niyang condo.

“It’s still a big change for me. Nakaaapekto po sa work ko, sa social life ko pati. Parang mas na-balance ‘yung lahat ng aspeto ng buhay ko simula nang mag-move out ako. I think I was ready for it. Training ko po ‘yung five years ko

sa Europe na talaga pong people forget na I was a minority there. I have three jobs. Lahat ng household work ginawa ko. Gumaspang na po ang mga kamay ko. Wala po akong katulong.”

Nakakatawa nga si KC kasi ba naman very minor problems lang sa bahay pero parang malaki na sa kanya.

“Pinoproblema ko ang basurahan. Wala pa pala akong basurahan. Saan ba ako bibili ng basurahan. Saan ba itatapon ang basura. Mahal pala ‘yung sofa,” kuwento ng dalaga.

BLIND ITEM: GINASTUSAN talaga ng dalawang aktres na may class na sexy image ang kanilang boobs. Sabay silang nagpa-enhance ng kanilang dibdib out of necessity. Kailangan kasing sexy sila sa isang production number para sa isang awards night kung saan kasama pa nila ang tatlong artista.

Habang nasa hotel room ay pinakita pa ng dalawang aktres sa mga alalay nila at baklitang staff ng kanilang manager ang kanilang boobs na bagong gawa.

Tumataginting na P50,000 ang ginastos ng bawat isa para lamang magka-boobs sila. Ngayon ay hindi na friends ang dalawa. May silent war sila. Pero nanatili silang magaganda hindi lamang ang hitsura kundi pati na rin ang kanilang buhay.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING