Willing Willie, 2 weeks off the air!

ADVERTISING

Willing Willie, 2 weeks off the air! Willing Willie, 2 weeks off the air! LALONG UMINIT NA pinag-usapan ngayon si Willie Revillame pagkatapos nitong magsalita sa Willing Willie nu’ng nakaraang Biyernes, kasabay pagpapaalam na mawawala raw muna ang kanilang programa sa loob ng dalawang linggo. Mahigit 30 minutos yatang naglitanya si Willie nang binalikan nito ang mga pinagdaanan niya muna nang mag-Wowowee sa ABS-CBN 2 hanggang dito sa TV5. Ang matindi pa, pati sina Aiza Seguerra, Lea Salonga, Jim Paredes, Tuesday Vargas, K Brosas, Mylene Dizon at Agot Isidro ay pinatutsadahan niya dahil sa mga tinitira raw sa kanya sa Twitter. Ewan ko lang, pero hindi naman yata du’n sa mga nabanggit niya tinitira siya sa Twitter. Hindi naman kasi ako nakakapagbasa ng Twitter na ‘yan, pero nabasa ko na lang sa diyaryo ang kay Aiza Seguerra. Pero ang sabi sa akin, wala naman daw paninira sa kanya ang iba du’n sa nabanggit niya. Kung ano kasi ang ikinukuwento sa kanya, pinapaniwalaan niya. Kaagad naman niyang binabanggit sa TV, kaya tuloy ang daming nag-react at kung anu-anong paninira raw ang mga sinasabi laban sa kanya. Nagsalita pa itong idedemanda niya ang mga naninira sa kanya sa Twitter, eh ang dami yata nu’n. Pero ang sabi naman sa akin, karamihan naman du’n taga-ABS CBN 2 kaya hindi na ako nagtataka. Kunsabagay, mabuti na rin munang magpahinga ng dalawang linggo ang Willing Willie dahil masyadong mainit pa. Mabuti na ring makapagpahinga muna si Willie dahil hindi talaga siya tinitigilan ng mga kumakalaban sa kanya. CONGRATULATIONS SA MAG-ASAWANG Niño Jefferson Lim at Krista Ranillo sa kanilang bagong baby boy na iniluwal ni Krista nu’ng April 5. Ang laki ng baby na may timbang na 8.6 lbs. pero normal ang panganganak ni Krista. Muntik na nga raw siyang i-Caesarian, pero nakayanan naman ng aktres kaya tuwang-tuwa itong nalagpasan niya at safe silang mag-ina. Unfair lang sa mag-asawa dahil nakara-ting daw sa kanila na naging biruan ng ibang sportswriter na kamukha raw ni Manny Pacquiao ang baby. May nagsulat pa yata nito sa diyaryo na ginawang biro at nakarating daw ito kay Niño. Masamang-masama raw ang loob niya sa nagsulat nu’n kaya pinag-iisipan daw ni Niño na magdemanda. Sana maging masaya na lang daw sila sa kanilang pagkakaroon ng baby, huwag nang haluan ng malisyosong biro. In fairness naman, kamukha ni Krista ang baby at minsan may kuhang parang halo ng hitsura nila ni Niño, kaya tigilan na ‘yang ganyang biro. Kaya ako, kinu-congratulate ko sila dahil feeling daw ni Krista, fulfilled na siya at isa na siyang ina. Balak daw nilang magbakasyon dito at itutuloy na ang church wedding dito kapag medyo malaki-laki na ang kanilang baby. Mga Mata ni Lolita by Lolit Solis

ADVERTISING