Willie Revillame wants cars given to expelled dancers back?!

ADVERTISING

Willie Revillame wants cars given to expelled dancers back?!

Willie Revillame wants cars given to expelled dancers back?!

NABABAHALA NGAYON ANG mga natsuging dancers ng Wil Time, Big Time ni Willie Revillame. Tinanggal ang mga ito sa kawalan ng disiplina sa trabaho.

Ayon sa balita, binabawi na raw ng TV host ang mga sasakyan. Binigay ba ito sa kanila o pinahiram lang? Sa dinami-dami ng mga dancers, siyam na lang ang natira sa show. Pa-saway, feeling sikat naman kasi ang karamihan sa mga dancers ni Willie. Nag-desisyon tuloy ang TV host-producer na bigyang-aral ang mga ito dahil sa kawalan ng respeto sa trabaho.

Sagana naman sa pangaral ni Willie ang kanyang mga dancers, pero parang umabuso yata dahil sa sobrang kabaitan ng controversial TV host. Kahit araw-araw silang pinangangaralan, parang wala lang sa mga ito. Hindi siniseryoso o ipinapasok sa utak nila ang sinasabi ni Willie. Palaging late kung dumating sa rehearsals, pati sa closing ng show, nawawala ang mga dancers. May kanya-kanya silang anik-anik na pinagkakaabalahan. Wala bang focus sa trabaho, makapag-show lang at gawin ang ipinagagawa sa kanila.

ADVERTISING

Tuloy, nagdesisyon si Willie na tanggalin ang mga pasaway na dancers para maging leksiyon ito sa kanila. Wala na silang show so, dapat lamang isoli na nila ang kotse na kaya ibinigay sa kanila para hindi sila ma-late sa trabaho. Hanggang ngayon deadma lang ang mga natsuging dancers, kahit isa sa kanila wala pa ring nagsosoli ng kotse. Umaasa pa rin siguro sila na magbago ang isip ni Willie at pabalikin uli sila sa show.

 

NAKALULUNGKOT, HINDI NAGING successful ang concert ni Pops Fernandez entitled “Pops in Fashion” sa Resorts World Casino, Newport City last Wednesday. Maraming bakanteng upuan, hindi napuno ng fashion icon ang theater venue kung saan siya nag-show, ayon sa aming source na nag-watch ng concert. Nawala na yata ang kinang sa mga fans ng tinaguriang Concert Queen.

Tatlong batikang fashion designers ang gumawa ng outfit ni Pops sa nasabing big event na sina Maxi Cinco, Francis Libiran at Cary Santiago (3 collections per designer). Maganda raw ang opening number ni Pops, medley songs, “All That Jazz” with the Hotlegs as her back-up dancers. Alluring ang dance costume ng singer-actress by Maxi Cinco with matching hat, fishnet na ala-Cynthia Sol while performing on stage. Nagmumura ang giant pictures (5 close-up photos) ni Pops sa LED video wall na naka-emote on stage.

Pinaka-bonggacious raw ang collection ni Cary na suot ni Pops sa last part of the show. See-true na parang aninag ang sexy figure ng singer. Marami ang nakapansin na parang wala raw suot na panty ang ex-wife ni Martin Nievera. Nasabi tuloy ni Pops, “Nasa-shock nga ang Mommy ko sa mga outfit na isinusuot ko. Hahaha!

After the sing and dance number ni Pops, ipapakilala niya ang kanyang special guest performer na si Erik Santos. Imbes na si Erik ang banggitin niyang performer, si Eric Quizon ang nasabi niya. Wala yata sa sarili ang singer-actress nang gabing ‘yun. Hindi kaya apektado si Pops dahil hindi naging blockbuster ang kanyang concert tulad ng mga past shows niya sa Araneta Coliseum? Sa sobrang hiya sa binata, niyakap niya ito at pinabalik ang singer sa backstage, nag-take 2 uli for the intro ang Concert Queen.

Kumanta si Erik ng “Sway” ni Michael Buble, “The Way You Look Tonight” at duet medley nila ni Pops na “Habang May Buhay”. After that number, nag-medley songs na ito ng mga sikat na awitin nina Gloria Estefan, Lady Gaga at Madonna.

Ang nakapagtataka  pa raw, walang celebrity friends ni Pops ang nanood ng show. Pati nga raw ang mga anak nila ni Martin Nievera ay wala rin du’n. Bakit nga kaya?

 

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING