Willie Revillame, walang commercial break ang pilot episode ng game show

Willie Revillame, walang commercial break ang pilot episode ng game show

Willie-RevillameSA LINGGO na pala magsisimula ang Wowowin pagkatapos ng Sunday All Stars.

Ang alam ko nai-tape na ang pilot episode at ang bongga-bongga raw!

Ang special guests niya ay sina Lovi Poe, Winwyn Marquez, Kylie Padilla, Barbie Forteza, Thea Tolentino, Betong, at Sef Cadayona.

Sa opening pa lang daw, sobrang ganda na, at puring-puri ito ng mga GMA executives nang napanood nila ang mga highlights ng show.

Kaya abangan n’yo ‘yan sa Linggo pagkatapos ng SAS.

Bongga raw itong pilot ng Wowowin dahil wala raw muna silang commercial. Dire-deretso itong mapapanood kaya tiyak na tutok diyan ang mga manonood.

Grabe ang dedikasyon ni Willie sa show n’yang ‘to sa Wowowin dahil lahat talaga pinakialaman niya. Lagi siya sa studio dahil gusto niya, bongga ang mapanonood at masiyahan ang lahat ng manonood. In fairness, nakikita naman ang magandang resulta kaya abangan n’yo ‘yan.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis