Willie Revillame, walang bago sa bagong show

Willie Revillame, walang bago sa bagong show

1 Willie-RevillameHINDI AKO nag-siesta last Sunday para lang mapanood ang pagbabalik ni Willie Revillame sa telebisyon after more than a year of absence sa bagong bahay niya sa GMA Network.

Excited ako dahil I was expecting for a much better show compare sa huling show niya sa istasyon ni MVP.

But I was not satisfied. ‘Yun lang? Hanggang ganu’n lang? Anong bago? Nadismaya ako.

High na high pa naman siya sa show na nag-e-effort na parang walang kapaguran (which I think he needs a co-host) para mas maging masaya ang show niya.

Hopefully, sa 2nd episode sa susunod na Sunday, it will be much better show or better yet he should hire new people (new brains, the young blood) lalo na sa creative team niya, dahil wala ako nakitang bago sa game show niya.

Anyway, welcome back Willie. Hoping to see more of your talent na alam kong nand’yan lang natutulog na dapat pukawin after your absence.

Reyted K
By RK VillaCorta