Willie Revillame, wala pang napipiling co-host sa bagong game show

Willie Revillame, wala pang napipiling co-host sa bagong game show

Willie-RevillameNAGULAT NA lang si Willie Revillame sa naglalabasang kuwento na magiging co-host daw niya sa Wowowin sina Ai-Ai delas Alas at Mariel Rodriguez.

Sa totoo lang, wala pa talaga silang napiling co-host.

Ang dinig ko nga sa pilot episode nito ay wala munang co-host si Willie, eh.

Siyempre, dapat naka-focus muna sa kanya at sa mga bonggang palaro nila na ‘yun ang inaabangan talaga ng mga tao, ‘di ba?

Kaya wala pa talagang kinakausap si Willie kung sino ang kukunin niyang co-host.

Mas aligaga pa nga siya ngayon sa construction ng studio nila sa may Kalayaan Avenue, Quezon City, dahil tinitiyak ni Willie na maayos na maayos ito bago sila magsimula.

Ang isa pang inaasikaso niya ay ang opening number nito na talagang gagastusan nang husto ni Willie. Halos isang daan yata ang dancers at bonggang-bongga raw talaga ang opening. Kaya matinding paghahanda itong programa ni Willie.

In fairness naman, all-out naman daw ang suporta ng GMA 7 kaya excited na si Willie.

Pagkatapos ng pilot episode nito na magsisimula na sa May ay saka na siguro pag-usapan kung sino na talaga ang co-host ni Willie.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis