Willie Revillame, wala nang magagawa sa mga tinutulungan na, nagiging suwail pa!

ADVERTISING

Willie Revillame, wala nang magagawa sa mga tinutulungan na, nagiging suwail pa!

Willie Revillame, wala nang magagawa sa mga tinutulungan na, nagiging suwail pa!BILANG KOMEDYANTE na sinuwerte ang career, si Willie Revillame talaga ay nagbabalik ngayon ng kanyang pagtulong sa mga kasamahan sa showbiz na alam niyang kailangan din niyang tulungan. Kahit maraming kakontra sa showbiz ang host ng Wowowillie ng TV5, hindi na lang niya pinapansin. Pero kahit kinukuwestiyon ang madalas niyang pagtulong, bukal na talaga iyon sa kanyang loob, dahil alam niya sa kanyang sarili at ipinagpapasalamat niya sa Diyos, na dumating ang magandang kapalaran sa kanya.

May angas lang ang hitsura at istilo ng pagdadala ng personalidad ni Willie. pero ‘yung sobrang kababaan ng kanyang pagkatao ay nakatago sa kanyang puso at isipan, na isang mahabang panahon ng kanyang buhay ay lagi siyang nangangailangan ng tulong. Sina Sharon Cuneta at ang yumaong Comedy King na si Mang Dolphy ang ilan sa mga ipinagmamalaki ni Willie na mga kasamahan sa showbiz na hindi nagkait sa kanya ng pagdamay nu’ng siya ay dapang-dapa sa buhay.

Kaya nga kapag mayroon siyang tinutulungan katulad ni Ethel Booba na kanyang pinaniniwa-laan ang talento ay napapailing na lang siya, dahil wala na siyang magagawa kung nagiging suwail sa kanya ang mga gusto niyang kupkupin ng pagdamay. Napapagod kasi si Willie sa matagalang pagbabad niya bilang host sa programa niya, kaya kailangan niya ang mga bumoboka ‘tulad ni Ethel at ng iba pa. Pero kung si Willie ‘yung hindi na iginagalang ng kanyang tinutulungan, ang katuwiran ni Revillame ay napakarami pa niyang dapat na bigyan ng pagkakataon at tulu-ngan na nasa loob lang ng industriyang ito na katulad niya noon ay umaasam din ng tulungan ng iba.

 

ADVERTISING

TAMA NAMAN si Daniel Padilla sa kanyang pagtatanggol tungkol sa kanilang angkan, lalo na sa kanyang uncle na si Robin Padilla. Sa totoo lang naman kasi, magmula nang maging Muslim si Binoe at nagkahiwalay sila ng kanyang wife na si Liezel Sicangco ay malaki na talaga ang ipinagbago ng action superstar, dahil nawala na talaga ang kanyang playboy image. Naging malaking dahilan din, na nagdalaga na ang kanilang mga anak at binatilyo na ‘yung lalaki nilang anak. Ngayon naman, kasal na si Robin sa selosang si Mariel Rodriguez.

Tama naman kasi talaga si Mommy Eva Cariño Padilla, na ipinagdasal niya na dumating ang panahon, na mahinto na rin ang mga balita tungkol sa pagiging babaero ng kanyang mga anak. Nakikita rin naman kasi nina Robin at ng iba pa niyang kapatid, na sobrang naaapektuhan ang kanilang ina sa mga hindi kagandahang balita tungkol sa kanilang mga pambababae, kaya nagkaroon na rin sila ng magandang direksiyon ng buhay tungkol sa pakikipagrelasyon.

Pero ang hindi maitatanggi ni Daniel, kapag lahi talaga ng Padilla ay malambing at mapagmahal. Sa grand presscon ng pelikulang Must Be… Love ng Star Cinema, hindi yata aware ang bagets na actor, na nakalilimot siyang maging sweet at pahaplus-haplos sa kanyang ka-loveteam na si Kathryn Bernardo, na hindi naman kumokontra sa kalambingan ni Daniel. At napagmasdan namin iyon ng mga kasamahan sa panulat na sina Joe Cezar, Ador Saluta at Jimi Escala na mga katabi namin sa upuan. Kaya ha-lata talaga na may mutual understanding na ang magkapareha.

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING