Willie Revillame, tuloy na tuloy na ang show sa Siyete

Willie Revillame, tuloy na tuloy na ang show sa Siyete

Willie-RevillameMUKHANG TULUY na tuloy na ang programa ni Willie Revillame sa GMA 7, ha?

Siyempre sina Joey de Leon at Mike Enriquez mismo ang nag-ayos niyan sa GMA 7 kaya nakikipag-meeting na raw si Willie sa mga executives ng GMA 7.

Ang dinig ko nga, sa birthday mismo ni Willie sa January 25 ang pilot ng show niya, pero parang wala pa naman akong naririnig.

Tuwing Linggo yata ang show niya na ieere bago mag-Sunday All Stars, at kapag mabakante na ang daily na 5 ng hapon hanggang 6:30 ay ibibigay na raw ito sa kanya.

Iyon pa lang naman ang balita ko. Hindi ko pa sure kung ano na talaga ang final na napagkasunduan niya sa GMA 7.

Abangan na lang natin ang announcement nito. Pero sa ngayon ay naghihintay lang si Willie at naghahanda pa lang siya.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis