Willie Revillame, tinanggihan si Pepe Pimentel!

Willie Revillame,  tinanggihan si Pepe Pimentel!

Willie Revillame,  tinanggihan si Pepe Pimentel!

TINANGGIHAN DAW NINA Willie Revillame, Coney Reyes at Eddie Ilarde ang request for guesting sa tri-bute para kay Pepe Pimentel.
Nilapitan ang tatlo para ma-ging bahagi ng isang show para kay Tito Pepe pero sad to say ay nag-beg off ang tatlo.

Pare-parehong TV host ang tatlo kaya naman sila ang napili para maging bahagi ng programa para sa veteran host na may sakit ngayon.
Ang katuwiran ni Willie, may issue pa raw sa kanila ni Tito Pepe kaya nag-decline siyang maging part ng show.

Ang feeling daw kasi ng beteranong game show host ay halos katulad ng kanyang Family Kuwarta o Kahon ang Pera O Bayong segment nito sa kanyang show.
Naiintindihan namin ang desisyon ni Willie dahil may unresolved issue pa nga naman sa kanila ni Tito Pepe. But, it would be nice of him sana kung dadalo siya sa programa, not for the sake of friendship, dahil obviously ay walang namagitang
ganoon sa kanila, but for kindness na lang sa isang kasamahan niya sa telebisyon. Kung nakakatulong siya sa mahihirap, bakit hindi niya tulungan ang isang kasama sa industriyang naging malaking bahagi siya.

Si Willie sana ang bibigyan ng plaque of appreciation sa programa bilang sikat na TV host ng kanyang panahon. Para kasi siyang si Tito Pepe na sikat na sikat noong araw dahil sa kanyang game show, ang Kuwarta o Kahon na naging FamilyKuwarta o Kahon later on.
Parehong humindi sina Coney Reyes at Eddie Ilarde na sikat na sikat na noontime show hosts noong araw. Hindi naman sila nagsabi ng dahilan kung bakit ayaw nilang pumayag na maging guest sa show.
Sa aming pagre-research, na-laman naming nagkasama pala sina Eddie Ilarde, Coney Reyes at Pepe Pimentel sa isang show, ang Student Canteen.
Nakakatuwang malaman na si Sonny Parsons ang nagka-idea na bigyan ng tribute si Tito Pepe matapos niyang makita ito habang nagwawalis sa labas ng kanyang bahay sa Makati. Nang magtanong siya sa mga kapitbahay ay nalaman niyang ang host ng Kuwarta o Kahon ang mamang nagwawalis na medyo may kahinaan na ang katawan.
Nalaman ni Sonny na may sakit ang veteran host. Sa awa ni Sonny, naisipan niyang bigyan ito ng tribute sa pamamagitan ng fund-raising show. Magaganap ang show para kay Tito Pepe sa August 21 sa Metro Bar.

MAY CAREER NAMANG matatawag si Rich Asuncion pero bakit raw ba palagi itong nakabuntot ngayon kay Ervic Vijandre. Ang tanong ng marami, sila na raw ba? Ma at pa!
Ay, exclusively dating pala ang claim ni Rich sa isang interview. This is the reason  siguro why Rich is always in the company of Ervic. Aminado naman silang nagde-date silang dalawa.

Pero ang tsika, ito raw si Rich, kahit na hindi siya isinasama ni Ervic ay bigla na lang sumusulpot. Kahit na guys’ night out ay nakasunod pa rin ito kaya naman naiirita na raw ang mga kabarkada ni Ervic.
Could this be true, Rich?

 
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas