Willie Revillame, tapos na sa ‘pagka-casino’

ADVERTISING

Willie Revillame, tapos na sa ‘pagka-casino’

Willie-RevillameSA TOTOO lang, sobrang na-touch talaga ako sa surprise guesting ni Willie Revillame sa Startalk nu’ng Linggo. Siya pala ang surprise guest ko na nag-interview sa akin.

Hindi rin siya nakaligtas dahil napilitan din naming ipasagot sa kanya ang matagal nang isyung kinasangkutan niya kagaya ng nagpapatalo raw siya ng halos 600 million sa casino.

Hindi naman diretsahang sinagot ni Willie, dahil pabiro lang ang sagot niyang hindi naman daw totoong 600 million ang pinatalo niya sa casino, kundi 595 million pesos lang daw.

Sabi naman niya, kung mag-casino man daw siya, tiyak na galing daw sa kanya ang perang pinapatalo. Minsan lang naman daw dumaan sa buhay niya ang ganu’ng stage, at tapos na raw ‘yun. Ang importante raw alam mo ang limitasyon mo.

ADVERTISING

Masaya rin daw siya para sa dating asawa niyang si Liz Almoro na nagpakasal kay Victor Aliwalas sa Amerika.

Kasama nga du’n ang anak nila, kaya hintayin na lang daw niya ang pagbalik nila ng Amerika para makasama daw niya uli ang anak nila.

Ayaw raw muna niyang mag-in love sa ngayon at wala raw siyang balak na magpakasal dahil pagkatapos daw ng dalawang failed marriage niya, tingin daw niya matagalan pa makahanap ng bagong karelasyon.

Biro pa niya, ipapagamit na lang daw muna niya ang katawan niya. Saka na raw ang pag-ibig.

Mukhang masaya naman si Willie at hindi naman yata totoo  ‘yung kuwentong naghihirap na siya.

Abangan n’yo sa Linggo dahil babalik si Willie at isi-share na niya ang lahat na mga properties niya para maipakitang hindi siya naghihirap no!

Bongga nga ang birthday gift niya sa akin, ‘no!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING