Willie Revillame, suportado pa rin ng sponsors sa bagong game show

ADVERTISING

Willie Revillame, suportado pa rin ng sponsors sa bagong game show

Willie-RevillameSUPER EXCITED si Willie Revillame sa pagbabalik ng game show niya, ang Wowowin sa GMA-7. Bonggacious ang magiging premiere nito on April 26, Sunday. Mas matitindi ang mga prizes na ipamimigay ng controversial TV host/singer sa mga contestant na magsisilahok, ayon sa production staff.

ADVERTISING

Todo pa rin ang support ng mga sponsors kay Willie sa bago nitong show. Nand’yan ang Wil Bench Cologne, Herbs & Nature (Liveraide, Plemex), Happy Mobile, Foton, Pau Liniment, Puregold Supermarket, W.L. Foods, Sinski, and Camella Homes.

Hindi malilimutan ni Willie nu’ng time na nasa Kapuso Network ito as sidekick ni Randy Santiago. Maganda ang naging samahan nila bilang magkaibigan. Nandu’n ang suporta nila sa isa’t isa. Ibinalita ng TV host/comedian na si Randy ang magdi-direk ng Wowowin. Ang magiging studio ng nasabing game show ay sa may Kalayaan Avenue in Quezon City, near city hall.

Sobrang happy si Willie sa nalalapit na pagbubukas ng bago nitong game show. Makikita at makakasama uli niya ang kanyang mga followers, especially the senior citizens na maipakita ang kani-kanilang talent at mag-enjoy sa game, makapag-uuwi pa sila ng cash prizes. Sa grand opening ng game show, malalaman natin kung sinu-sino ang magiging co-host ni Willie Revillame. Abangan…

ADVERTISING

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING