Willie Revillame, sobrang lumalaki na ang ulo?!

ADVERTISING

Willie Revillame, sobrang lumalaki na ang ulo?!Willie Revillame, sobrang lumalaki na ang ulo?!OLA CHIKKA! TALAGANG pinag-usapan ang eksenang ginawa nitong si Willie Revillame noong Lunes sa programang Wowowee kung saan ay hinamon niya ang management ng ABS-CBN na kung hindi nila tatanggalin si Jobert Sucaldito sa Dos, siya mismo ang aalis.

Nagsimula ang isyung ito nang magsalita si Willie tungkol sa pagbabatikos sa kanya at sa Wowowee ni Jobert sa kanyang

radio program sa DZMM.

Hindi nagustuhan ni Jobert ang paglalaro ng mga pasang-awang students sa Willie of Fortune. Ayon naman kay Willie ay bukas ang kanilang programa para sa lahat kaya walang masama sa ginawa nila.

Parehas naman silang may punto ngunit ang hindi ko lang nagustuhan ay ang pagbabanta ni Willie sa management ng kanilang istasyon. Nagkabati na kami ngunit kung ganito pa rin ang ugali niya, wala akong magagawa kundi ang magsabi ng totoo.

ADVERTISING

Una, sino ba siya sa tingin niya para ilang beses hamunin ang ABS-CBN? Mabuti sana kung CEO ang kanyang posisyon para umasta ng ganyan.

Pangalawa, hindi siya ang may-ari ng Wowowee para gamitin ito sa pansariling kapakanan tulad ng paghahain ng sama ng loob at gamitin laban sa katrabaho niya.

Pangatlo, nasa iisang network lang sila kaya hindi na niya kailangang i-ere pa ang kanyang nararamdaman. Kaya nga may management upang ayusin ang mga problema ng kanilang mga talent lalo na at nasa iisa lang kayong bakod.

Hindi sa kinakampihan ko itong si Jobert, ngunit tama naman siya na kung makapanita si Willie sa mga staff, host at audience ng Wowowee ay ganu’n-ganu’n na lang. Ngunit bakit kapag siya ang sinisita ay galit na galit siya?

Lahat tayo ay may karapatang magkomento lalo na kung ang katotohanan ang ating pagbabasehan.

Hindi kaya masyado nang lumalaki ang ulo nitong si Willie kaya kung makakilos siya ay ganu’n na lang? Saan ba sa tingin niya siya dadamputin kapag itinakwil na siya ng ABS-CBN? Ano ba ang pinagmamalaki niya at kampanteng-kampante siya?!

NALALAPIT NA NGA ang eleksiyon ngunit hanggang ngayon ay may mangilan-ngilang kandidato na hindi alam ng publiko na patuloy ang pagtakbo.

Tulad na lamang nitong mga running for senator na sila Imelda Papin at Rey Langit na parehas maganda ang kanilang adhikain. Ngunit dahil sa kakulangan ng pondo para sa kanilang pangangampanya, hindi nila naibabahagi nang lubos ang

kanilang plataporma at mga nais gawin upang makatulong sa bansa.

Nakalulungkot nga naman ang katotohanang marami ang nangangako ngunit iilan lamang ang tumutupad dahil sa dami ng taong nagsabing tutulungan sila pagdating sa campaign funds, lahat naglahong parang bula.

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Sino itong young actress na hard daw kung makapag-make-up na halos nauubos na ang oras ng taping kaka-retouch?

Ang nakakatawa pa rito eh, isang hamak lang namang probinsiyana ang kanyang role at naka-false eyelashes pa ang hitad. Ang wild, ‘di ba?!

At nagagalit pa ang actress kapag hinihiram ng kanyang kapartner ang make-up kit niya dahil itong young actor ay napapabalita ring bading. Ha-ha! Kilalang kilala n’yo na, ah!

Gusto n’yo pa ng clue? Ang sabi nila ay Nene pa raw ito ngunit kung maglabas ng boobs ay parang hindi naman! ‘Yun na!

AT HUWAG N’YO pong kalimutan ang aking OLA CHIKKA PRODUCTIONS para sa advertisement, guesting, exposure, shows at everything regarding entertainment. For inquiries just call us at 417 6181 at 0927 428 4216. Nais ko

lamang pong linawin na hindi ko po personal numbers ang mga iyan. Lahat ng iyan ay office numbers kaya para sa mga updates sa akin at comments, maaari po kayong mag-send sa akin ng e-mail sa tita_s2006@yahoo.com. Maraming salamat po and God bless us all!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING