Parazzi Chikka: Willie Revillame, sinalubong ng mga fans

Parazzi Chikka: Willie Revillame, sinalubong ng mga fansBulto-bultong fans ang sumalubong kay Willie Revillame, nang magpabalik s’ya nitong Lunes, September 21, 2009 sa Wowowee. Kahapon, inanunsiyo n’yang hindi s’ya tatakbo sa darating na eleksiyon at hindi rin daw n’ya opisyal na sinusuportahan sa presidentiable race si Manny Villar. Kung mag-aanunsiyo raw s’ya ng pagtakbo sa eleksiyon, eh may tamang venue raw para rito. Ipinangako pa nga ni Papi na kung makatutungtong man s’ya sa public office, eh, hindi raw s’ya magnanakaw, kundi magbibigay pa. Sabi nga, meron pa namang ibang paraan para makapagsilbi sa bayan, hindi lang puro sa takbo-takbo na ‘yan. Well, sa sobrang yaman ba naman ni Willie, eh, parang magiging buwaya na s’ya kung pati tayong mga dukha, eh, nakakawan n’ya huh! Kaloka!

By Faith Salazar, Photos by Allan Sancon

Parazzi Chikka: Willie Revillame, sinalubong ng mga fans