Willie Revillame, puspusan na ang paghahanda sa game show

ADVERTISING

Willie Revillame, puspusan na ang paghahanda sa game show

Willie-RevillamePUSPUSAN NA ang paghahanda ni Willie Revillame sa pagsisimula ng Wowowin niya sa GMA 7.

Ang alam ko, sa May 10 ang pilot episode nito at talagang kinakarir ni Willie ang buong show. Mula sa opening hanggang sa mga games at mga premyong ibibigay sa mga taong sabik na sabik na makita siya sa TV.

Milyun-milyon ang gastos dito ni Willie dahil gusto raw niya talagang malaking pasabog ito sa pagbabalik niya.

Halos dalawang taon siyang nawala, kaya dapat matindi ang pagbabalik niya.

ADVERTISING

Sabi ni Willie, okay lang na malugi muna siya sa mga unang episodes niya basta ang mahalaga, marami siyang mapasayang tao.

Kaya ang dinig ko, walang commercials ang buong isang oras na show niya.

Sa totoo lang, bitin na bitin ‘yang isang oras na show niya. Kaya sana mapahaba-haba pa ‘yan kahit isa at kalahating oras man lang sana. Sana nga, araw-araw ‘yan eh.

Pero tingin ko naman mapapahaba ‘yan o gagawin nang daily kapag makitang malakas ang dating ng show ni Willie at mapatataob nito ang mga katapat na programa. Bongga ‘yan!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING