Willie Revillame, pinuputulan na ng pakpak ng Dos?! – Tita Swarding

ADVERTISING

Willie Revillame, pinuputulan na ng pakpak ng Dos?! - Tita SwardingWillie Revillame, pinuputulan na ng pakpak ng Dos?! - Tita SwardingOLA CHIKKA! HINDI ko akalain na i-chikka ito ng aking friend na nagwo-work din sa ABS-CBN. Nu’ng Linggo habang nagpro-programa ako sa DZRH, nilapitan ako ng aking friend at chikka nga niya sa akin, “Tita Swarding, alam mo ba na ang host ng Wowowee na si Willie Revillame ay nag-lie low na ngayon sa mga banat niya sa ere? Pagmasdan mo, hindi na siya gaanong nagmamagaling at umaasta na akala mo kung sino. Dahil halos nauungusan na sa rating ang Wowowee ng sinundan nitong programa na Showtime, na halos kalahati lang ang rating nitong nakukuha kumpara sa Showtime.”

Kaya naloka akong bigla. Chikka pa ng aking parazzi girl na nandun din, “Totoo ‘yan, kasi ang ABS mimso ang gustong tumaas ang ratings ng Showtime kumpara sa Wowowee, dahil gusto rin pala ng pamunuan na maungusan ito. Dahil iba na nga raw ang ugali ng mayabang na TV host na si Willie.”

ADVERTISING

Kalerke, ha?! Mismong ang Dos ang gumawa ng hakbang upang ibagsak ang mayabang na TV host.

Chikka pa ng aking friend na taga-Dos, “Hindi ko lang maibalita, Tita, dahil taga-Dos din ako, at siyempre alam mong ABS-CBN din si Willie.”

Hmmm…. Nakakaloka, ha? May rating man ‘yan o wala, kung lumaki na talaga ang ulo ng TV host na ito, wala ka talagang magagawa. Dahil ‘ika nga, nasa dugo na ‘yan. Hehehe! ‘Yun na!

ADVERTISING

BLIND ITEM: MAHULAAN n’yo kaya kung sino itong aking pahuhulaan sa inyo ngayon?

Mga kafatid, chikka ng aking friend na aging male radio broadcaster, nakadyug pala niya ang isang papable na award-winning actor, huh!

Naku! Sino ba naman ang mga-aakalang pahala pala itong si award-winning actor nu’ng kabataan pa niya. Pero infernezz kay actor, kahit may pamilya na ito ay guwapo pa rin ito at delicious. Hahaha! Kaloka!

Dahil itong si actor daw, mahilig daw ito noon sa napakaikling shorts, at palaging pumupunta sa bahay ni baklitang radio broadcaster na ito. At dahil nag-iisa lang si radio broadcaster sa kuwarto niya at siya lang ang may telepono, kunwari’y makikitawag sa telepono si guwapong actor. At ‘pag nakapasok na, sabay lock agad sa pinto. Eh, alangan namang magkutuhan sila ni bading na broadcaster? Eh, ‘di gumagawa sila ng ‘di kanais-nais! Yak! Hehehe!

Hindi nila akalain na may naninilip pala sa kanila – ang security guard ng bahay. Nakakaloka, ha?! Kaya ang ginawa ni bading na broadcaster, binibilhan niya palagi ng yosi ang sekyu, para ‘wag lang mag-tell. Hahaha!

Ang nakakaloka pa, nakuha lang ni bading na broadcaster sa isang minuto itong  guwapong award-winning actor. Nakakaloka!

Kaya nu’ng minsang nag-guest itong si papable actyor sa programa ni bading na broadcaster, sabay sabi ni actor na, “Akala ko, ibubuking mo ako!” Hahaha! Nakakaloka, ha?!

Naku, mga kafatid, ang clue, kasama siya sa teleserye ng babaeng lumilipad. ‘Yun na!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING