Willie Revillame, pinanindigang tama siya by Tita Swarding

ADVERTISING

Willie Revillame, pinanindigang tama siya by Tita SwardingWillie Revillame, pinanindigang tama siya by Tita SwardingOLACHIKKA! KAHIT SAAN ka magbasa ay halos makikita mo ang mukha ng TV host na si Willie Revillame. Inulan ng maraming batikos ang host. Hindi lang kung anong komento ang mga sinusulat kundi kulang na lang ay itaboy at kaladkarin ang TV host. Kalerke, ha! Iyung iba ay baboy na kung tawagin si Willie,walang respeto. Naku, ha! Kahit ano’ng gawin mo sa baboy ay baboy pa rin. Ganu’n ang paningin ng ilan sa TV host na si willie. Sa ipinakita ni Willie,hindi lang baboy ang tingin ko sa kanya kundi “napakademonyo” niya. Noong hindi pa ganu’n kayaman si Willie ay napaka-humble nito. Akala mo ay aso na kumekembot ang buntot. Ngayon, tila nagbago na ang ihip ng hangin. Ipinakita na niya kung sino siya, kung ano siya. Hindi porke’t  mayaman na siya ay ganu’n na lang siya kamakapangyarihan. Tama ang sinabi ng chairman ng MTRCB na si Consoliza Laguardia, dapat siya ang tanggalin at hindi ang insert coverage ng dating pangulo.

Ang nakakaloka ay pinapanindigan pa ng kuning-kuning na TV host na tama siya. Magtigil ka, Willie! Kahit saang sulok ka magtanong, mali ang sasabihin sa ‘yo! Kung noon ay wala akong galit sa ‘yo, ngayon ay hindi lang galit ang nararamdaman ko kundi nandidiri ako sa ‘yo dahil hindi lang kababuyan ang ginagawa mo. Niyuyurakan mo ang imahe ng dating pangulo at para kang sino kung magdikta. Hindi lang dapat suspension ang ihatol sayo kundi dapat tanggalin ka na diyan sa programang ‘yan.Pinagmumukha mo lang kawawa ang sambayanang Pilipino at ipinapakita mo sa buong mundo na mukhang pera ang mga Pilipino. ‘Yun na!

ADVERTISING

Read Tita Swarding’s Blind Item: Sexy starlet, nakipaghalikan sa hindi kakilala!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING