Willie Revillame, paulit-ulit na lang, walang kadala-dala!

ADVERTISING

Willie Revillame, paulit-ulit na lang, walang kadala-dala!

Willie Revillame, paulit-ulit na lang, walang kadala-dala!OLA CHIKKA now na! Oh no, oh yes… now na! Maloloka ka talaga sa Earth at hindi kinaya ng powers ko ang mga chikka na itey!

Paulit-ulit na lang ang mga naging eksena na lagi na lang siyang pinag-iinitan ng MTRCB. Marahil ang middle name ni Willie Revillame ay ‘K’ as in ‘kontrobersiya’.  Lagi na lang kasi siyang nasasangkot sa mga ‘di kanais-nais na usapin katulad ng pagpapa-laganap niya ng kalaswaan sa telebisyon.

Parang sirang plaka na lamang si Willie na paulit-ulit na lang ang nagiging kaso niya. Hindi nakatulong ang gender sensitivity seminar ng MTRCB, dahil nitong April 16 episode lang ng Wowowillie, napagtuunan ng pansin ang pagpaparada niya ng mga bagong dancers na luwa ang mga suso.

Ginagawa na nilang stripclub ang dating ng noontime show. At kahit ipangalandakan nilang nakatutulong sila sa mga mahihirap, hindi maaa-

ADVERTISING

ring tawaran ang mga imoral

na kaisipang pinapahid nila sa madla. Dapat kumilos agad ang mga galamay ng moralidad at tapusin na ang kagaguhang matagal nang ipinamamahagi ni Revillame sa kulturang Pinoy.

Dapat mag-people power na upang mailagay sa wasto ang mga hindi nararapat na maging bahagi ng kontemporaryong media!

 

AT HETO pa ang pinaka-nakawiwindang na hindi ko kinaya ang mga eksena niya. Grabe talaga ang eksena nitong si Janine Tugonon. She grabbed the kamalayan of a lot of uzizeras and epaleros nang pinahiya niya nang bonggang-bonngga ang ex-boyfriend niya.

At take note, parang hindi rin maganda sa paningin ng mga tao dahil nag trending ito sa FB. Kung ako sa kanya, kung ayaw niya na talaga sa ex niya, ‘di na lang sana niya pinaasa, ‘di ba?

Parang nawindang din talaga ko na bumaba ang tingin ko sa kanya, dahil naturingan pa naman siyang Miss Universe, ganu’n ang gagawin niya?

Parang mararamdaman mo kay Janine na wala talagang puso, na dapat talagang iniisip din muna ang sinasabi niya o ipinapakita niya sa TV na dapat parang nasa Miss Universe ka lang, ‘di ba?

Kering-keri ba o dedma lang? Ano kaya ang masasabi ng mga fans niya rito? Maharot o malandi?

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING