Willie Revillame, namudmod na naman ng pera

ADVERTISING

Willie Revillame, namudmod na naman ng pera

Willie-RevillameBUKOD SA half a million pesos na pakimkim na ibinigay si Willie Revillame sa binyag ng anak nina Richard Gutierrez at Sarah Labhati na si Baby Zion dahil isa nga siya sa naging ninong ng bata, namudmod din daw ng datung si Willie Boy sa ilang kakilalang entertainment press sa naturang okasyon.

Naikuwento sa amin ng ilang nabiyayaan ng grasya ni Willie na talaga raw galante ang sikat na controversial na TV host/ actor. Kapag nasa isang okasyon daw si Willie at nakita nito ang mga kaibigan at kakilalang press ay inaabutan daw ng pakimkim bilang pasasalamat sa mga ito sa lahat ng suportang natatanggap sa pamamagitan ng pagsusulat.

Maging si German Moreno, nagulat sa magandang gesture ni Willie dahil sa pagdo-donate nito ng kalahating milyong piso para sa mga project ni Kuya Germs.

Ang ilan sa mga proyekto ni Kuya Germs ay Walk of Fame-Philippines sa Eastwood Park at mayroon din sa area ng GMA 7 pathwalk sa Timog Avenue, Q.C. Mayroon din sa Mowelfund Plaza na tinawag na Paradise of Stars na ginastusan ni Kuya Germs, kung saan may mga standee ang mga showbiz celebrities na matatagpuan sa palibot ng garden area nito.

ADVERTISING

Matagal na ring pangarap ng binansagang Master Showman na magkaroon ng sariling club house ang mga kasapi ng KAPP (Kapisanan ng mga Artista sa Pelikulang Pilipino).

Kaya nga labis ang pasasalamat ni Kuya Germs sa good gesture ni Willie Boy dahil malaking tulong ang ipinagkaloob nitong half a million pesos para sa mga proyekto nito na mabigyan ng importansya ang mga artista, director at sa mga bumubuo sa showbiz.

Aminado naman kasi si Kuya Germs na hindi niya kakayaning mag-isa na gastusan ang mga proyektong gustong niyang matupad kaya nagpapasalamat siya kay Willie sa tulong na ipinagkaloob sa kanya.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING