Willie Revillame, nami-miss na ang pagho-host

ADVERTISING

Willie Revillame, nami-miss na ang pagho-host

1 Willie-RevillameSA LINGGO ng tanghali na raw ang show ni Willie Revillame sa Tacloban City na pinamagatang Pamaskong Handog sa Tacloban ng Wowowillie.

Magdadala si Willie ng mga artists doon at mga regalo, at parang Wowowillie talaga ang show niya roon.

Kasi sa nakikita namin kay Willie, parang nami-miss na nito ang mag-host sa isang variety show, kaya gustung-gusto niya itong gawin at siyempre para pasayahin na rin ang mga taga-Tacloban.

Iyon lang daw ang naisip niyang masayang pamasko sa mga tagaroon.

ADVERTISING

Kung hindi lang Linggo ‘yan, sasama sana ako para ma-experience ko talaga sana kung ano sa Tacloban. Pero Linggo kasi, kaya sa bahay na lang ako.

Saka siyempre, paghandaan ko na rin ang Christmas eve, kaya waiting pa ko sa mga Christmas gifts na ipapadala sa akin. Merry Christmas po!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING