Willie Revillame, nagtatalak sa mga staff sa taping ng game show

Willie Revillame, nagtatalak sa mga staff sa taping ng game show

Willie-RevillameHINDI NA ako magtataka kung bakit talakero si Willie Revillame sa mga staff ng show niyang Wowowin sa GMA 7.

Masisisisi mo ba siya kung ang ilang taong kasama niya sa show ay pabaya sa kanilang trabaho na kung minsan, siya na producer na nagbibigay ng super effort para maging maganda ang kanyang weekly show, pero ang mga tao niya, waley, na makapag-iinit nga naman ng ulo niya.

Saksi kami last Saturday sa mga sablay ng mga tao niya sa taping ng kanyang game show. Habang masaya at hyper na hyper si Willie, may isang technical staff na napansin si Willie na nakapangalumbaba habang ang lahat sa loob ng studio, bigay-todo ang kasiyahan at palakpakan.

Ang in-charge sa malaking TV screen, kung saan doon lumalabas ang tamang sagot sa isang game portion ng show, dalawang beses sumablay na hindi tama ang na-encode na sagot.

Si Miss Congratulations (whoever she is), sablay na sablay na hindi marunong magbilang ng pera na ipinamamahagi sa mga contestant. Tuloy sabi ni Willie, “Malulugi ako niyan.”

Mabuti na lang, taping ‘yun at ie-edit pa. ‘Pag nagkataon, ang totoong reaction ng host ay malamang sa hindi, makaaagaw-pansin sa MTRCB.

Kung ako kay Kuya Will, sa effort niya na mapaigi ang kanyang show, tama na siguro na napagbigyan mo sila (mga staff) na pabaya sa kanilang mga trabaho at walang concern sa show.

Pero naaliw kami sa patalbugan ng performances ng mga beki sa episode na ‘yun, na kung hindi ako nagkakamali ay sa July 12 ang telecast.

Reyted K
By RK VillaCorta