Willie Revillame, nagpapaalam na sa kanyang audience?!

ADVERTISING

Willie Revillame, nagpapaalam na sa kanyang audience?!

Willie Revillame, nagpapaalam na sa kanyang audience?!KELAN LANG ay parang nagpapaalam na sa audience ng Wil Time Bigtime si Willie Revillame. Meron daw siyang ia-announce sa Jan. 5, 2013. O baka ito na raw ang kanyang hu-ling araw sa nasabing game show.

Ano ba? Napapagod na ba si Willie na bigyan ng kasiyahan ang mga audience at tuparin ang pangarap ng ilan? O tuluyan na siyang magpapahinga dahil alam naman ng lahat ‘yung kundisyon niya sa puso at ‘yung madalas niyang pamamalat?

O, merong ibang offer siyang tinanggap mula sa ibang istasyon?

But according to our very reliable source who is close to Willie, hindi totoong magpapaalam na si Willie, dahil meron pa itong another year sa kontratang pinirmahan sa TV5, kaya imposibleng tatapusin na ang show.

ADVERTISING

“Basta ‘yung pagsasara, malabo ‘yon. ‘Yung announcement sa January 5, meron talaga. ‘Yung announcement ang abangan ninyo. Ayokong pangunahan, dahil baka magbago pa, mapa-pahiya lang tayo,” assurance pa ng aming kausap.

 

LAGI KAMING tinatamaan sa Pinoy Master Chef. Lagi na lang kaming pinaluluha ng bawat episode nila everyday. ‘Yun bang kahit hindi naman kami marunong magluto, eh du’n naman kami sa pangarap ng bawat contestant naka-tuon.

Sobrang mula lang sa pagluluto ang umpisa ng kanilang pa-ngarap. Ang pagluluto ang gagawin ni-lang stepping stone tungo sa gusto ni-lang tahaking tagumpay.

Tapos, ang maganda pa nito, after Pinoy Master Chef, ang feel-good nang Be Careful With My Heart na walang masyadong tensiyon, kaya good vibes lang sa morning ang mapapanood n’yo.

Sorry, ha? Maganda rin daw ang Kris TV, pero pasensya na, ha? Kasi, borlog pa (tulog pa) ang lola n’yo ng 8am. Talagang very 9am na ang gising ko, eh.

Kaya obviously, pati U-magang Kay Ganda, hindi na namin napapanood. Alam na.

 

DITO TALAGA sa Pilipinas, kung hindi mo tutulungan ang gob-yerno para mapabilis ang ibang proyekto, kung hindi babagal, madededma.

Natuwa kami nu’ng nanonood ng Ako Ang Simula, dahil me ilang good samaritan na nagtayo ng http://www.tenmoves.org/ para makalikom ng sampung piso para makapagpatayo ng 10,000 classroom nationwide.

Imbes na budget ng DepEd ang nagagamit dito ay ang pagiging isang mabuting mamamayan ang kinikilala rito para maisakatuparan ang target na bilang ng silid-aralan.

Kaya kung type n’yong mag-donate, pakibisita lang po ang link na ibinigay namin at baka puwede na rin kayong mang-hingi ng lata para lalagyan ng inyong sobra-sobrang 10 pesos.

Hindi naman po natutulog ang Diyos. Bahala na po Siyang gumanti sa kabutihan ng inyong kalooban.

 

AND SPEAKING of links, meron din po kaming fanpage, paki-like na lang po ang The Ogie Diaz at ang Vibes Tayo. Meron din po ka-

ming podcast na maaari n’yo kaming mapanood nang live na live, just log on to www.ustream.tv/channel/vibes-tayo.  Thanks so much po!

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING