Willie Revillame, nagamit sina Pokwang at Mariel Rodriguez?!

ADVERTISING

Willie Revillame, nagamit sina Pokwang at Mariel Rodriguez?!

Willie Revillame, nagamit sina Pokwang at Mariel Rodriguez?!AKALA NAMIN TALAGA, si Rico J. Puno ‘yung kumakanta with John Estrada and Randy Santiago ng “I-Swing Mo” sa unang tingin sa Happy, Yipee, Yehey! Pero parang lumiit yata. Kaya nu’ng ipinokus ng kamera, natawa kaming bigla, dahil kamukha nga ni Rico Puno si Bentong! Hahahaha!

Hindi namin ito kinaya. Pati pagngiwi-ngiwi ng mukha ni Rico, ginaya rin ni Bentong. I’m sure, ang next question is: Nainsulto ba si Rico J? I don’t think so. Joker din ‘yon, eh. ‘Pag joker ka, dapat, hindi ka rin pikon.

Hahaha! Bentong really made my day.

 

ADVERTISING

IPINAKITA RAW PALA sa Will Time Big Time ‘yung kinunang video thru celfone ng pagbati nina Mariel Rodriguez at Pokwang kay Willie Revillame.

Ayon sa aming source, pang-personal na bati lang daw ‘yon ng dalawa kay Willie. Hindi naman akalain ng dalawa na ilalabas pala at magiging isyu.

Sabi ng aming kausap, “Nakakatakot tuloy mag-message kay Willie, dahil kahit siguro text message o tweet na pabor sa kanya, baka ilabas din kahit pangpersonal lang naman ‘yon.”

‘Yun na.

 

HANGGANG BUKAS NA lang ang SNN, dahil sa darating na Lunes, si Kuya Boy Abunda ay magiging bahagi na ng Bandila.  Ang naturang newscast nina Julius Babao, Ces Drilon at Karen Davila ay tatagal na ng 45 minutes, dahil sa pagkakasali ni Kuya Boy.

Sa rason kumbakit tinanggal o nag-end na ang SNN, ‘yan ay amin pa lamang tutuklasin. Pero we’re very excited for Kuya Boy, dahil ibang-iba na ang kanyang level.

Si Bianca Gonzales naman ay babalik na uli ng E-Live at ang alam namin, si K Brosas ay magko-concentrate muna sa kanyang Maria La Del Barrio.

 

AND SPEAKING OF Maria La Del Barrio, grabe rin ‘yung ibang fans ni Erich Gonzales sa Twitter. Talagang kung laitin kami, pagsalitain kami ay parang sila ang nag-iri sa amin, hindi ang nanay namin.

Pero lagi naming isinasaksak sa utak namin na normal na sa isang avid fan ‘yung sobrang ipagpapatayan nila ang kani-lang idol kahit kanino.

Aba’y nai-tweet lang namin ‘yung nabalitaan namin sa set ng naturang serye na itong si Erich ay diumano, sinapian ng masamang espiritu o namatanda. ‘Yun ang balita, sabi namin. Pero sana, hindi totoo. Na rito rin naman sa Pinoy Parazzi, dahil ni-research din namin, bumaba lang ang blood sugar dahilan para magka-seizure si Erich.

Aba, ang ilang fans talaga, ginyera kami sa Twitter. Eh, kesa buweltahan din namin sila, ang ginawa namin, block na lang kami nang block.

Katuwiran namin, ayokong tuluyan kayong ma-highblood sa akin, kaya tapusin na natin ang pagiging follower n’yo. Ganu’n lang ‘yon.

Salamat naman du’n sa ibang followers na maayos at punum-puno ng magandang asal ang mga tweets at opinyon nila.  Talagang pinairal nila ang kanilang pinag-aralan.

Ke Erich? No, hindi kami galit. Ang wish pa nga namin ay sana, makapagpahinga siya nang bongga, dahil overworked din ang batang ‘yan, sa totoo lang.

Sa mga na-block namin sa Twitter, pasensiya na kayo. Lumampas kayo sa guhit, marapat lang na i-block.

 

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING