Willie Revillame, nag-propose na kay Shalani Soledad?

Willie Revillame, nag-propose na kay Shalani Soledad?OLA CHIKKA! MATAPOS ang hindi magagandang balita noong nakaraang linggo, umpisahan natin ang ating lunes sa isang nakakatuwang chikka! Ayon sa aking parazzzi girl na anak-anakan kong nagtatrabaho mismo sa bakod ng Willing Willie, ichinika sa akin ang eksena nila sa Boracay.

Kilala naman natin ang host nitong Willing Willie na si Willie Revillame sa pagiging mapagbigay. Lahat ng staff niya ay naambunan ng biyaya, hindi ba? Kaya naman galak na galak ang ating parazzi girl nang magbigay ng singsing itong si Willie sa mga dancer ng nasabing show. Siyempre hindi naman na ako nagulat dahil kung tutuusin ay wala lang sa host ang mga singsing na iyon. Ngunit alam n’yo ba kung ano’ng ikinawindang ko?! Ito ay nang malaman ko kung ano ang ibinigay ni Willie sa kanyang co-host na si Shalani Soledad.

Siyempre bilang co-host, malamang ay mas lamang siya sa mga dancer, kaya naman asahan na nating mas bongga ang regalong natanggap ni Shalani. Dagdag pa ng ating parazzi girl, maganda ang singsing na kanilang natanggap, may bato pa raw, ngunit maliit lang hindi tulad ng kay Shalani na pagkalaki-laki raw at mas ikinagulat ko pa nang sabihing may naka-engraved pa raw na “I LOVE YOU”.

Ang taray! Pag-ibig na nga ba ito?! Mas binigyang pang kulay ang chikkang pagkakamabutihan ng dalawang host dahil sa sobrang sweetness na ipinakikita nila sa mga tao na halos wala man lang silang pakialam?

Hmmm… gimik lamang ba ito ni Willie upang asarin ang kabilang kampo o sadyang tinamaan na naman siya ng pana nitong si Kupido at sa muling pagkakataon ay umiibig na siya?! Teka! Para saan naman ang bonggang-bonggang singsing na iyon? Baka sa susunod na mga linggo lamang ay kasalan na ang mababalitaan natin, ha?! Engagement ring?! Taray!

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Mahulaan n’yo kaya itong sikat na sikat na batang aktres na kamakailan lamang ay puro negative issues na ang naglalabasan tungkol sa kanya?!

Talaga nga bang may attitude problem ang young actress na ito kaya’t ang malalapit sa kanya ay iniiwan siya sa ere?! As in sa ere! O talagang may mga naninira lamang sa kanya?

Ang chikka kasi, insekyora raw itong si young actress sa isa pang bagong bagets na actress lalo na at nasa iisang bakod lamang sila ng kilalang istasyon. Mukhang nasasapawan na itong si young actress nitong baguhan kaya naman may drama effect pa si young actress na kapag hindi raw tinanggal ang baguhang aktres ay siya mismo ang aalis sa istasyon at lilipat sa Singko.

Naku, ha?! Masama ‘yan, young actress! ‘Wag mong hinahamon ang management hindi ka pa ba natuto sa pinagdadaanan ng mga artistang humahamon sa management? Sila, kaya pa nila, ngunit ikaw kahit sikat ka at marami kang fans na handang makipagpatayan para sa iyo, hindi pa rin sapat iyan dahil hanggang ngayon ay wala ka pang napapatunayan, hindi ba?

Tsaka imposible naman yata iyang dine-demand mo, dahil kapag ipinatanggal mo itong si baguhang bagets, eh ‘di nawala na agad ang pinagbibidahan niyang teleserye? Tsk, tsk, tsk! Ikaw talaga! Ha-ha-ha!

Sa dami ba naman ng clue na naibigay ko, imposibleng hindi n’yo pa rin gets, ha?! Kung hindi n’yo pa rin mahulaan ay pakisubaybayan na lamang po sa aming programa ni Lady Camille sa DWSS 1494 kHz weekdays from 11:30 AM to 12 NN upang makigulo at maging una sa mga chikka. At patuloy pa rin po akong subaybayan sa DZRH TV tuwing Linggo mula 2:30 to 3:30 pm. Thank you very much and God Bless us all!

Willie Revillame, nag-propose na kay Shalani Soledad?

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding