Willie Revillame, muling nagbabala sa nanggagamit sa kanyang game show

Willie Revillame, muling nagbabala sa nanggagamit sa kanyang game show

Willie-RevillameWILLIE REVILLAME is at it again. Ang tinutukoy namin ay ang kanyang repeated warning sa mga nais magsadya sa studio ng Wowowin sa Kalayaan Ave., Quezon City at maging ang mga hopeful contestants sa mga palaro ng nasabing Sunday show.

Nasa paligid na naman kasi ang ilang element na ang modus operandi ay naniningil ng pera kapalit ang kanilang pagiging studio audience at ang pagkakataong makasali sa mga games.

Wala pong ganitong kalakarang pinaiiral ang pamunuan ng Wowowin, considering na ang host nitong si Kuya Wil ang siya pang namimigay ng pera. Also, ang pagpasok sa studio ng show ay on a first come, first served basis.

Mangyaring hanapin lang ang staff na si Martin Tambad na siyang punong coordinator sa mga gustong makapanood nang live at libreng programa.

 

ALL IS fair in love and war, at kahit fake lang ang lahat.

Natalia and Bernie agree to get married although it is fake. Kailangang takasan ni Natalia ang kababatang Australian na bading na pilit ipinapakasal sa kanya ng mga magulang. Bernie offers the fake wedding, para matapos na ang sumpang kamatayan sa kanya ng wicked na si Aling Issy.

Nabulag naman si Ethan sa sobrang pagka-miss kay Yumi. Yumi regrets what she has done to Ethan. She confesses to Jackie that she really loves Ethan. Ethan bursts out of nowhere and reveals himself to Yumi. Peke lang pala ang kanyang blindness.

While Mama A. serves Jingo with sumptuous meals, duda ni Majay ay pinaglilihian ng ina ang kanyang asawa. It turns out, gusto lang magpalibre ni Mama A. kay Jingo sa P50,000-worth na ticket para sa concert ni Madonna sa 2016. Peke lang pala ang paglilihi niya kay Jingo.

All this riot sa Ismol Family ang siyang nagsisilbing therapy para sa director nitong si Dominic Zapata, “Gusto ko du’n, enjoy lang, happy lang. Mas naka-focus ka sa humor kesa sa technical and drama. It’s like having a barkada. Siguro I don’t have kids. Pero if you’re a family man, you need some time out with your friends para hindi lang puro pamilya.”

Abangan ang lahat ng ‘yan sa Ismol Family this Sunday.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III