Willie Revillame, may nilulutong daily show?

 alt=

Willie-RevillameTila nagpahiwatig si Willie Revillame na may aabangang daily game show ang kanyang mga tagasuporta matapos na mamaalam kahapon, January 17, ang lingguhan niyang game show na “Wowowin” sa GMA makalipas ang siyam na buwang pag-ere nito sa telebisyon.

Bago kasi tuluyang natapos ang pasasalamat ni Willie sa lahat ng tumangkilik ng kanyang programa, sa mga sponsor, at sa mga big boss ng Kapuso Network, humiling ang host-comedian na sana raw ay muli niyang makasama ang kanyang audience araw-araw.

Sabi ni Willie Revillame, “At sa lahat po ng taong nagtitiwala. Most especially, kayo pong lahat. Kayo po ang mga taong nagsuporta at sumuporta at nagmahal sa programang ito. At sa gabi-gabi ho bago ako matulog, ang tanging dasal ko lamang, sana’y araw-araw na tayong magkasama… Araw-araw ko na kayong makapiling, at araw-araw ko na kayong mapasaya at mabigyan ng pag-asa ‘yung mga akala nilang wala nang pag-asa ang buhay. Maraming salamat po sa inyong lahat. Hanggang sa muling pagkikita, salamat.”

Ayon sa usap-usapan, nakatakdang umere umano ang daily variety-game show ni Willie ngayong February at mapanood mula 5:00 pm hanggang 6:30 pm.

Gaya nga ng lumabas na “teaser” sa pagtatapos ng programa, ‘yan ang ating aabangan.

Danny’s Law
by Danilo Jaime Flores