Willie Revillame, masaya sa magandang feedback sa game show

Willie Revillame, masaya sa magandang feedback sa game show

Willie-RevillameBONGGA ANG pagsisimula ng Wowowin ni Willie Revillame na nakakuha ng mahigit 8 percent na rating sa oras na ‘yun.

Inaasahan naman talagang mataas ang rating nito dahil marami naman talaga ang nag-aabang sa pagbabalik ni Willie. Kaya inaasahang tuluy-tuloy na’yan.

Ang reklamo nga ng karamihan, nabitin daw sila. Kaya siguro dapat ngang gawing daily ang Wowowin.

Masaya naman si Willie sa magandang feedback sa show kaya super-tutok talaga si Willie sa show na ‘to.

Ang nakakaloka lang, nagdagsaan pala ang mga tao nu’ng Linggo sa may labas ng studio ng Wowowin sa Kalayaan Avenue, Quezon City.

Akala nila, live ‘yung show. Ilang beses nang sinabi na naka-tape na ito at hindi pa muna sila puwedeng mag-live, ayaw pa ring makinig. Nagpuntahan silang lahat du’n at nakisiksik.

May ibang hinimatay na nga raw, eh. Kaya naman may nakatambay talaga na ambulansya du’n at mahirap na, ‘di ba?

Anyway, abangan n’yo sa susunod na Linggo dahil mas bongga ang kasunod na episode na bale karugtong nu’ng pilot episode na nai-tape nila.

Abangan n’yo ‘yan!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis