Willie Revillame, maraming galit sa panghihiya kina Ethel Booba at Ate Gay!

ADVERTISING

Willie Revillame, maraming galit sa panghihiya kina Ethel Booba at Ate Gay!

Willie Revillame, maraming galit sa panghihiya kina Ethel Booba at Ate Gay!OLA CHIKKA na naman tayo to the maximum authority of chikka!

Talagang palpak na naman ang pinaggagawang kabaliwan ni Willie Revillame nu’ng nakaraang linggo. Hindi ko kasi napanood, nakita ko na lang sa FB ang video na pinag-piyestahan na naman ng mga talagang naasar na rito kay Willie sa sobrang kayabangan.

Ito ang mga reaksyon ng mga nakapanood nu’ng pinagtatalakan niya sina Ethel Booba at Ate Gay.

According kay Ogie Diaz, kasamahan kong kolumnista dito sa Pinoy Parazzi: Kaloka ‘to! Sana offcam at hindi on national TV. Nainsulto kasi si Willie, kaya ang bawi niya, intindihin siya on the air talaga! Ang audience naman nagpapalakpakan pa! Kaya feeling tuloy ni Willie, tama lang ang talak na ginawa niya kina Ethel Booba at Ate Gay. Saka please, tama na ang panunumbat on air. Masakit sa tenga. Kahit ang mga co-host mo, matatakot na sa ‘yo, Willie Boy. Kung inaakala nilang tama ‘yung ginagawa nila, mali pala sa ‘yo, kaya may talak sila on the air. Saka totohanin mo sana ‘yung sinasabi mo na publiko ang pinapasaya mo. Lumalabas, ikaw dapat ang pini-please ng tao. Hindi mabibili ng yaman ang pag-uugali ng isang tao. ‘Wag masyadong mataas ang tingin sa sarili. ‘Yung sakto lang dapat na may kasamang humility.

ADVERTISING

Grace Ang: Affected ang mama ko d’yan….he likes Willie so much… kagabi nakuwento sa akin, hanggang kaninang umaga… nalulungkot si Mama sa ginawa niya hindi dapat ginawa ‘yun on national TV.

Lester Villarama: Hambog at bastos ‘yang si Willie.

Cherry Espinosa: Laki kasi ng believe ni Willie sa sarili niya. Bakit kaya may tumatangkilik pa rin sa kanya, kung makapanumbat, wagas.

Hendrick Vak Oliva: WTF! For sure, Cristy Fermin is there na naman to rescue Willie Senseless lang and lass.

Rtan Enguera: Hindi naman tama ang gawin niya ang ganito, porke ba siya ang nagpapasuweldo sa tao, basta na lang niya hihiyain. Ay, kung makaasta siya, ‘kala niya nabili na niya sina Ethel at Ate Gay.

Eduardo Paez: ‘Yung sakto lang dapat na may kasamang humility’ FTW.

Mharjhurde Javier: Kusayon mo buhay mo Willie, gawin mo ang tunay na tama, makakabangon ka pa hindi batayan ang dinudumog ka ng tao, tandaan mo nanjan sila kasi kailangan nila ng pera. Pera ang habol nila sayo hindi ang show mo!

Dante C. Domingo: Your money can’t buy u a real love and respect! Not all about money, learn to make kapwa tao!!!!

Aida Garcia Abanolla: Sobra ang yabang niya lalo na siguro kung mataas ang rating mg show n’ya, ‘di ba? Talagang ganyan kasi pikon siya, kaya ‘di niya alam na nakakasakit siya.

Angelino Nico Perez Valbuena: Sobra na kasi ang taas ng tingin sa sarili, tsk, tsk. Respect is earn.

Jane Lim Dizon: Dapat kainin ni Willie ang sinabi niya, kasi ganyan ang ginawa niya sa ABS-CBN dati. Sobrang yabang na talaga, masyadong mataas ang lipad.

Morpheus Kei Sanvictores: No wonder kung ‘di naman magtatagal ang show n’ya. Boss daw siya pero astang bosabos kawawawillie.

Jay Enriqiez: ‘Pag nagpapasuweldo siya, p’wede na niya yurakan ang pagkatao ng mga empleyado niya. Well, well, p’wede naman magalit, pero ‘wag naman in public on TV. Kakaloka ang dami na pala talagang galit sa kanya, tsk tsk…

Snooky Serna: Ganyan naman talaga ‘yang si Willie laging on the air, kahit si Anna (Feliciano), ilang beses na niyang pinahihiya, pati ang pagbigay ng pera sa pagpapalaki ng boobs eh, broadcast pa. Kaya mag-ingat-ingat ‘pag humingi kayo ng tulong. Lahat ng staff niya kapit sa patalim sa hirap ng buhay.

Jojo Franco: Kabaliwan na naman ni Willie ‘yan, walang alam sa broadcast hindi naman naka on-the-air na sinigawan siya ni Ethel at Ate Gay, dapat kinausap na lang niya nang off-the-air, siya naman ang boss. Kung ayaw niya sa tao niya, ‘di tanggalin niya. Hindi ‘yung pinapahiya pa niya sa public. Kaloka ka, Willie, little knowlege is dangerous…

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING