Willie Revillame, mapili sa timeslot ng show sa Siyete

Willie Revillame, mapili sa timeslot ng show sa Siyete

Willie-RevillameTOTOO BA na kahit tinutulungan na ni Joey de Leon si Willie Revillame na magkaroon ng show sa Kapuso Network, mukhang hindi aprub sa komikero-host sa timeslot na p’wedeng ibigay sa kanyang ng GMA kung sakali?

Balita namin, ang game show ni Kuya Will ay ilalagay as pre-programing ng dance show ng mga talents ng GMA every Sunday. Ang gusto ni Willie, a daily show tulad sa dating show niya sa TV Station ni MVP na located lampas sa talipapa ng Brgy. Sauyo sa Novaliches.

Pero kung iisipin, saan naman kaya p’wedeng isaksak ang show niya gayong during weekdays, puno na ang programing ng GMA 7? ‘Yong foreign movies (with Tagalog dialogues) sa tanghali tuwing Sunday lang ang nakikita kong p’wedeng pagsaksakan ng bagong programa ni Willie kung magkakasundo man sila ng GMA Management.

Reyted K
By RK VillaCorta