Willie Revillame, malayang-malaya na sa Dos!

ADVERTISING

Willie Revillame, malayang-malaya na sa Dos!

Willie Revillame, malayang-malaya na sa Dos!BONGGA TALAGA SI Willie! Isinama niya ako nu’ng Linggo papuntang Macau kasama ng mga abogado niya, malalapit na kaibigan at mga staff niya.

Tama nga ‘yung sinabi niya sa isang episode ng Wil Time Bigtime niya na ibabakasyon daw niya ang mga staff niya dahil meron lang siyang gustong i-celebrate.

‘Yun palang celebration na sinasabi niya, natapos na ang kontrata niya sa ABS-CBN 2 nu’ng nakaraang Linggo lang. September 11 ‘yun na habang inaalala ng Amerika ang 9/11 na nangyari sampung taon nang nakararaan, independence daw naman daw niya ‘yun.

Bongga nga ang Willie, nalusutan niya ito lahat na hindi naman na-TRO ng ABS-CBN 2 ang show niya.

ADVERTISING

Nagkaroon pa ng malaking kontro-bersiya ang Willing Willie niya tapos nagkaroon ng break sandali at nang bumalik ito, naging Wil Time Bigtime, wala pa ring nagawa ang Dos.

Ngayon, tapos na ang kontrata niya sa Dos, at tapos na rin ang mga kasong isinampa sa kanya. Kaya talagang dapat daw niyang i-celebrate, kasama ng mga staff niya sa kanyang programa.

Lahat talaga ng mga staff niya pati ang mga karpintero at mga labandera’t plantsadora kasama sa bakasyon.

Hindi lang niya naisama lahat sa biyahe niya ngayon dahil sobrang dami naman. Pero sa susunod niyang bakasyon, isasama naman niya ang susunod na batch.

Malaki raw ang utang na loob niya sa mga staff niyang sumama sa kanya nu’ng panahong down na down siya at hindi talaga siya iniwan. Kaya sinisikap niyang lahat ay dapat maambunan ng mga blessings na dumarating sa kanya.

Malaki rin ang pasasalamat ni Willie sa TV5 dahil dito lang daw niya naramdaman ang malasakit at pagmamahal na hindi niya nakita sa pinanggalingan niyang istasyon.

Pero sinabi naman niyang may mga ilan sa Dos na mahal na mahal pa rin niya dahil mabait pa rin daw sa kanya. Isa na nga rito si Charo Santos-Concio.

 

SOBRANG PROUD NA proud si Mark Herras sa magandang role na ginampanan niya sa pelikulang Hitman ni Cesar Montano.

Alam ko, si Sam Pinto ang ka-partner dito ni Cesar at co-produce niya ito sa Viva Films.

Pero maganda ang role na napunta kay Mark at sobrang markado, kaya ganado naman ang young actor. Matagal na raw niyang pinapangarap na makapag-action, kaya malaki ang pasasalamat niyang napunta sa kanya ang role na ‘yun.

Sabi nga ni Cesar, tiyak na mapapansin dito si Mark na pagkatapos ng pelikulang ito, baka maging ganado na ito sa mga action films.

Sana nga maganda ang kalalabasan nito kay Mark dahil kailangan niya talaga ito ngayon.

Kasali pala si Mark sa mga rarampa sa Cosmo Ba-chelor Bash na gagawin sa World Trade Center bukas.

Pinaghandaan niya rin ito dahil ang payat pa naman niya ngayon, pero nagdagdag siya ng timbang para kahit papa’no, sexy naman siya.

 

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING