Willie Revillame, kinasasawaan na agad ng televiewers?

Willie Revillame, kinasasawaan na agad ng televiewers?

Willie-RevillameWOWOWIN’S PILOT episode lorded it over the ratings, all right.

Sa katunayan, eight plus ratings ang naitalang pigura nito against ABS-CBN’s movie block, and why was it so? Obviously, nasabik ang mga manonood na matagal nang nag-aabang sa pagbabalik-telebisyon ni Willie Revillame. Imagine having hibernated that almost took all of eternity, sino’ng hindi tututok sa grand return ni Kuya Wil?

Add to that ay ang no-commercial interruption sa unang sultada ng Wowowin, kung saan hindi na kailangan pang pindutin ng viewer ang remote control ng kanyang TV to another channel.

Very sadly though, the three Sundays that followed proved to be a BIG disappointment as Wowowin dismally failed to sustain its ratings supremacy, losing thrice to its rival program na walang ka-effort-effort na nanalo sa ratings with run-off-the-mill movies produced by the network’s film arm.

May paliwanag kaya rito? Is it because hinahanap-hanap ng mga manonood ang nakasanayan nang female co-host ni Kuya Wil? A show insider, however, says there’s no need to have one. Sa iksi nga naman ng air time ng Wowowin, makaaagaw pa ito ng dapat sana’y shining moments lang ng main host.

Then what?

Ayon sa aming mga nakakausap, the program flow is a bit too dragging partikular na ang mga spiels ni Kuya Wil told and retold many times over.

As though this observation is not enough, may pahabol pa ang mga ito claiming to be program analysts kuno, “Sorry pero walang bago!”

A program resurrected yet recycled.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III