Willie Revillame, kinakapa pa ang bagong game show

Willie Revillame, kinakapa pa ang bagong game show

2 Willie-RevillameANG PELIKULANG She’s Dating The Gangster nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang ipinantapat ng ABS-CBN sa show ni Willie Revillame na nag-pilot telecast last Sunday sa GMA 7.

Mahigit isang taon ding nawala ang show ni Willie Boy kaya ‘di kataka-taka na marami ang nasabik at natuwa lalo ng mga taong laging dumadagsa sa dating studio ni Willie sa Delta Theater.

Ngayon, nakasisiguro kami na masaya na naman ang mga tagahanga ni Willie Boy dahil nagbalik ito sa telebisyon at sa GMA 7 pa ito nakakuha ng time slot na isang block timer, meaning si Willie mismo ang masusunod sa kung anuman ang gusto niya sa kanyang show, dahil siya ang lumalabas na producer at babayaran niya ang oras na makukunsumo sa Kapuso Network.

Kaya lang, sa kontrata raw na pinirmahan niya sa network ay bawal na bawal daw ang overtime. Dapat ay kung anong oras siya magsisimula at magtatapos ay wala nang extension pa.

Para hindi magkaroon ng problema sa oras ay ginawang tape ang pilot telecast noong Sunday, kung saan sumayaw pa sina Lovi Poe, Winwyn Marquez at Kylie Padilla.

Of course ‘di mawawala sa Wowowin ni Willie ang portion nito na Bigyan ng Jacket ‘Yan na bukambibig na rin ngayon sa iba pang show ng GMA 7.

Bago magtapos ay pinasalamatan ni Willie ang big bosses ng GMA 7 na sina Atty. Felipe Gozon, Jimmy Duavit at kinanta niya ang Salamat Sa Inyo na composed by Vehnee Saturno bilang pasasalamat sa mga taong patuloy na tumatangkilik sa kanya.

Dahil nagsisimula pa lang uli ang show ni Willie, medyo nangangapa pa sila. Pero hindi magtatagal ay magiging live na ang show dahil iba ang hatid ng saya kapag live na napapanood ang isang variety show.

Congrats kay Willie sa pagbabalik-telebisyon dahil aminin man o hindi ay marami siyang napasasaya at natutulungang tao.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo