Willie Revillame, kinakalaban si Kris Aquino?!

ADVERTISING

Willie Revillame, kinakalaban si Kris Aquino?!OLA CHIKKA! MUKHANG maging ang bagong show ni Willie Revillame sa Singko na Willing Willie ay mag-iiba na rin ng format?! Ha-ha-ha! Ayun ay biro lamang, dahil nga sa nabasa kong chikka na matapos kuning host si Shalani Soledad ay kumakalat na rin ang balitang maging si James Yap ay inaawitan na rin ng Willing Willie upang maging kabilang sa mga hosts ng nasabing show.

Ilang gabi ko na ring nasaksihan ang hosting ni Shalani, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin ako

satisfi ed at hindi pa rin niya napapatunayang may karapatan siya bilang maging isang host. Tulad na lamang kapag nagho-host si Willie, quiet on the side lang siya, hindi man lamang humirit para maging mas masaya at energetic ang mga viewers.

Tapos ngayon, pati si James ay idadagdag n’yo pa? Ano na lamang ang kahihinatnan ng show n’yo kung

dalawang pagkahihinhin na nilalang ay pagsasamahin n’yo? Siguro nga, madadala ni Willie ang programa, pero ‘di pa rin sapat iyon. Dahil tulad ko na lamang kapag hindi ko nagugustuhan

ADVERTISING

ang pagho-host nila, agad-agad ko ng inililipat ng channel, eh.

At tsaka bakit ganu’n? Bakit lahat na lamang ng nali-link kay Kris Aquino ay isinasama nila sa programa? Nananadya nga ba silang talaga o nagkataon lamang?

Hmmm… Ano man ang dahilan nila, para sa akin ay hindi nababagay ang dalawa sa pagho-host, at kung ako sa kanila, mag-concentrate na lang sa kani-kaniyang mga career. ‘Di ba?!

AT NAIS KO PONG anyayahan ang lahat para sa isang napakabonggang event dyan sa SM Baliuag, Bulacan ngayong Biyernes hanggang Linggo, November 12, 13 & 14, 2010. Tatlong araw, upang masilayan ang napakagagandang mga sasakyan, sa car show na pinamagatang “Pinoy Siklo”, kung saan ang ANZHAL CAR PAINT ng Century Chemicals Corporation ay kabilang sa mga sponsors. At sponsor din sila ng URCC na gaganapin sa A-venue Mall sa Makati, sa Biyernes naman ng gabi, November 12,

2010, kung saan ay maraming tao ang nagdadagsaan para mapanood ang ganitong

extra-ordinary event.

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Mahulaan n’yo kaya itong bigating politician na may kabitelyang dating sexy star na performance level pagdating sa kama, ngunit ayaw magpahawak ng hair-laloo?

Hmmm… sa tingin ko ay hindi dahil sa sobrang makapangyarihan nitong politician na ito ay hindi na ako magbibigay ng clue, dahil tiyak mage-gets n’yo na!

Ito kasi ang chikka kasi ng aking parazzi girl na friendly friend ni dating sexy star na sikat na sikat noong dekada otsenta na ngayon at nagbabalik- pelikula, na matalik na kaibigan ko rin ang may hawak, kaya napatunayan kong totoo ang chikkang ito.

Kabitelya pala ni bigating politician itong si sexy star as in kabit. Ikinuwento ni sexy star sa aking parazzi girl na sa tuwing nagsasalo sila sa panandaliang ligaya at sinisisid ni big politician ang perlas ni sexy actress, nagagalit daw ito kapag nasa-sabunutan ang buhok ni politician dahil baka masira ang pagkakaayos sa buhok nito, dahil hindi pala natural ang tubo ng kanyang buhok. Ha-ha-ha! Nasa rurok na sila ng tagumpay ngunit naiisip pa niya ang kanyang buhok?! At least bongga siya! Hindi lang siya winner sa pulitika, kundi maging sa sisiran, bonggang-bongga rin siya!

Ano, hindi n’yo pa rin mahulaan? Sige na nga, isang clue! ‘Pag sinabing big time politician, ano ang papasok sa inyong isipan? Ha-ha-ha! ‘Yun na!

Kung hindi n’yo pa rin mahulaan, pakisubaybayan na lamang po sa aming programa ni Lady Camille sa DWSS 1494 kHz, weekdays from 11:30-12 nn, upang makigulo at maging una sa mga chikka.

At patuloy pa rin po akong subaybayan sa DZRH TV tuwing Linggo, 2:30-3:30 p.m. Thank you very much

and God Bless us all!

Willie Revillame, kinakalaban si Kris Aquino?!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING