Willie Revillame, kasosyo sa negosyo ang pulitiko? – Tita Swarding

Willie Revillame, kasosyo sa negosyo ang pulitiko? - Tita Swarding

Willie Revillame, kasosyo sa negosyo ang pulitiko? - Tita SwardingOLA CHIKKA! MAHULAAN n’yo kaya kung sino itong aking pahuhulaan sa inyo? Maloloka kayo dahil hindi n’yo akalain na tuluyan na pala ang hiwalayan ng mag-asawang ito na super sikat pa naman,huh!

Maaga pa lang may clue na, ha! ‘Di ba nakakalerke? Pero mga kafatid, noon ay tsismis lamang ang hiwalayan blues ng mga hitad na ito at pakitang-tao lang daw pala dahil kailangan nilang ipakita sa publiko na hindi sila hiwalay. Masisira kasi si mister sa trabaho at siyempre, ang tingin ng mga tao kay sikat na actress ay bababa. Hmmmm…Ano raw? Dahil sa pulitika kaya naghiwalay ang mga hitad na couple,huh!  Matagal na palang hiwalay ang mag-asawang ito, noon pa pala. Pagkatapos ipanganak ang bunso nila ay may kaunti na silang hindi pagkakaintindihan hanggang sa itong si lalaki ay nagkagusto diumano sa katrabaho rin nito.Hallerr! Ayan, ha, may clue na! Noon ay napabalitang hiwalay na ang mga ito pero pinabulaanan ito ng sikat na actress dahil wala naman daw itong katoohanan.

Naku, ha! Kung kelan lumaki na ang anak ng mga ito. Kung sabagay, kung hindi na nga inlab sila sa isa’t isa, eh, ano pa ang dapat gawin.Ha! Ha! Ha! Kalerke, ha! Ano raw?

Ang itsinika sa akin ng aking Parazzi Girl,ayaw raw ni lalaki kay actress dahil napakaselosa raw nito, maya-maya ay naghahabol ng tawag sa telepono or text nang text. Kaya ganu’n na lang pala kung palitan si actress ng mas sexy sa kanya. Ha! Ha! Ha!

Ang ipinalit ay hindi naman kasing-yaman ni actress, pero siguro magaling ito mag-asikaso. Ha! Ha! Ha! Ay naku, maloka kayo sa kahuhula.

NAKAKALOKA RIN ITO mga kafatid,dahil itong aking Parazzi Girl ay napakadaling makakuha ng tsika. Ha! Ha! Ha!

Umamin na raw sa wakas ang hitad na TV host na si Willie Revillame na may kasosyo siya sa lahat ng kanyang naipundar na negosyo. At least, umamin siya, hind nagmayabang na solo niya. At dahil ang kanyang Wil Theater ay napakalaki raw, nagbigay ng share si Manny V na umabot sa P1.8 bilion pesos. Hesus maryosep! Napakalaking datung, ‘di ba? Pero hindi lang pala sa negosyo kundi pati na rin ang ilang naipundar ay may kahati diumano ang mayabang na TV host. Pati rin daw ang airplane nito na binili at ang mga yate na sinasabing sa kanya ay may share raw ang magaling na senador.

Okey naman daw ang mayabang na TV host na may kasosyo sa negosyo dahil may tiwala diumano ang senador sa kanya. ‘Wag lamang daw sa anak nito  dahil kilala niya si Willie at hindi lang siya ang nakakilala, pati na rin ang sambayanan, na napakababaero ng TV host na ito,huh! Naloka kayo, ‘noh? ‘Yun na!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding