Willie Revillame, kalahating milyon ang pakimkim sa anak nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati?

ADVERTISING

Willie Revillame, kalahating milyon ang pakimkim sa anak nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati?

Willie-RevillameIN FAIRNESS kay Annabelle Rama, positive ang sagot niya sa isyu nila ng ina ni Sarah Lahbati na si Esther Lahbati.

Masayang-masaya siya sa apo niyang si Baby Zion kaya hindi na niya pinatulan itong ipinost ni Esther sa Instagram account niya.

Sabi ni  Bisaya na ipinost sa Twitter account niya, “Ayaw kong pumatol sa mga taong kinakawawa ang sarili nila. Basta ako, I won’t allow myself to be kawawa. Move on, forget the past.

“Kung ako pa sa ito, laruin mo na lang si Zion para mawala ang negative vibes sa katawan mo.”

ADVERTISING

O, ‘di ba? In love na in love sa bagong apo niya kaya doon na lang siya naka-focus at araw- araw nga raw niya itong dinadalaw.

Ang iba pang tweet ni Bisaya ay pawang pasasalamat sa mga ninong at ninang na bongga ang mga regalo.Kaya nakapag-open na raw sila ng bank account para kay Baby Zion.

Totoo bang kalahating milyong piso ang regalo ni Willie Ravillame nu’ng binyag? Bongga, ‘di ba?

Kuwento nga ni Richard Gutierrez sa presscon ng pelikula niyang Overtime, tuwang-tuwa raw ang Mommy niya sa pagbabantay kay Baby Zion.

Pati nga raw ang iba pa niyang apo, lalo na sina Lorin at Venice ay tuwang-tuwa rin sa pagbabantay kay Baby Zion. Mahal na mahal daw nila ang kanilang pinsan.

Kaya ayaw nang magpaka-nega ni Annabelle at hindi na niya papatulan si Mommy Esther dahil masayang-masaya na siya sa mga apo niya lalo na kay Baby Zion.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING