Willie Revillame, iimbestigahan na sa sobrang yaman? – Tita Swarding

ADVERTISING

Willie Revillame, iimbestigahan na sa sobrang yaman? – Tita Swarding

OLA CHIKA!

ADVERTISING

SOBRA RAW ANG pag-welcome sa mayabang na host na si Willie Revillame sa Wowowee. Kesyo may ati-atihan at kung anu-ano pang mga pagwe-welcome sa kanya at marami raw itong ibubunyag at ito raw ang aabangan ng mga tao sa kanyang pagbabalik, huh! Kaloka, ha! Pero sa pagbalik niya sa pang-tanghaling programa ay welcome rin naman siya sa mga taong ayaw na siyang makita sa telebisyon kahit idikit pa ang mukha nito ay ayaw na nilang makita. Parang nakakita raw sila ng……Naku, ha! Welcome nga rin si Willie sa mga taong nagbigay ng komento sa isang blog site sa internet na ayaw na ayaw na nilang mapanood ang mayabang na TV host kaya habang wine-welcome si Willie, mayroon namang mga nagra-rally na ayaw sa kanya,huh! Pinagdidikit ngayon ang mga maling nagawa ni Willie. Ang latest ay ang kanyang pagpapahinto sa pagbigay-pugay ng mga Filipino sa Lake Tahoe para sa international singer na si Charice Pempengco. Kaloka, ha! At ngayon, ang kanyang pagmamayabang na bibili siya ng private plane,huh! At ito ang nakarating sa akin galing sa aking parazzigirl, may nag-iibestiga na raw ngayon sa mga yaman ni Willie. Haler! Iniimbestigahan na raw ngayon ang assets and liabilities ng TV host, kung saan niya ito pinagpupulot at ganu’n na lang daw ito yumaman,huh! Kaya ang lahat ay nakaabang sa telebisyon kung ano ang bagong ipagmayabang ni Willie. Ha! Ha! Ha! Kaya mga ining,inday,ondo,dodong, humanda na kayo sa insultuhan,pahiyaan at kabastusan dahil ngayon ang pagbabalik ni Willie sa telebisyon,huh! Ha! Ha! Ha! Naku, basta humanda na kayo. ‘Yun na!

Kris Aquino, mas type si Dingdong Dantes kaysa kay Piolo Pascual

HINDI lang kagandahan ang meron ang isang Kris Aquino kundi pati katalinuhan. In fairness nga naman, hindi na kailangang i-memorize ‘yan dahil pati kadatungan at kayamanan ay meron na ito. Mas pabor nga itong si Kris sa pagkuha sa Kapuso talent na si Dingdong Dantes kaysa sa Kapamilya at kasamahan rin mismo ni  Tetay sa network na si Piolo Pascual.  Si Kris nga diumano ang pumili kung sino ang magiging spokesperson sa mga kabataan ng kanyang kapatid na si Noynoy Aquino. Hatak nga raw ni Dingdong ang ilang fans nito at mga Kapuso na mga kabataan kaya niya kinuha ang guwapong actor.

ADVERTISING

Pero, in fairness, favorite naman ni Kris ang guwapong si Piolo. Kaya pala hindi niya ito kinuha bilang tagapagsalita sa mga kabataan ay dahil si Piolo ang nakatoka para sa pagganap ng buhay ng kanyang namayapang amang si Senator Binigno Aquino. Kaya ang dalawang gwapong actor na ito ay may kanya- kanyang papel sa mga Aquino.Hmmm….bongga, ha! Kalerke, ha! Dahil isa rin pala ay gustong mapalapit din ni Kris sa ilang mga Kapuso kahit siya ay Kapamilya.

Read Tita Swarding’s Blind Item: Singer aktres, retokada!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING