Willie Revillame, ibinebenta na ang mga luxury car

Willie Revillame, ibinebenta na ang mga luxury car

Willie-RevillameWALA PANG announcement si Willie Revillame sa birthday celebration niya na ginanap sa penthouse ng Wil Tower Mall niya sa Quezon City nu’ng nakaraang Martes ng gabi.

Sabi ni Willie, may mga pag-uusap pa raw kaya wala pa raw siyang masasabi sa ngayon.

Pero sabi ni Willie, kapag makabalik daw siya sa programa at matutuloy itong show niya sa GMA 7, titiyakin daw niyang mas marami siyang matulungan at mapasayang mga tao.

Miss na miss na raw niya ang magpasaya sa mga tao, kaya alam ko, gustung-gusto na niyang bumalik sa trabaho.

Sabi pa ni Willie sa kanyang birthday party, mas gusto na raw niya ng simpleng buhay.

Malaking epekto raw sa kanya ang pagdalaw dito ni Pope Francis dahil tumatak daw sa isip niya ang sinabi ng Santo Papa na maging simple na lang.

Kaya nga unti-unti na raw niyang pinabebenta ang mga luxury cars niya para magamit pa raw niya ‘yun sa pagtulong sa mga tao.

Isang simpleng buhay na lang daw ang gusto niya ngayon. Tapos na raw siya sa mga mararangyang bagay na na-enjoy niya lahat ‘yun.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis