Willie Revillame, hinatak pababa si Manny Villar?!

ADVERTISING

Willie Revillame, hinatak pababa si Manny Villar?!Willie Revillame, hinatak pababa si Manny Villar?!OLA CHIKKA! MARAMI ang nagtataka kung nasaan na nga ba itong dating si Mr. Wowowee na si Willie Revillame? Ano na kaya ang nangyari sa kanya matapos matalo ang kanyang manok na si Manny Villar? Babalik pa kaya siya sa

Wowowee? Lilipat na ba siya ng ibang istasyon? Iyan ay ilan lamang sa mga katanungang masasagot lamang sa muling pagpapakita ni Willie.

Ayon sa ilang tabloid, sabi ng ibang reporter ay nagtatago na itong si Willie, habang ang ilan naman ay nagsasabing nagpapahinga lamang daw ang host dahil sa ilang taon na siya sa Wowowee at 6 days a week kung magtrabaho kaya he deserves a break naman daw.

Kunsabagay, may point sila. Ngunit hindi niya kailangang maghain ng vacation leave on-air, ha-ha! Kaya Willie, sulitin mo na ‘yang bakasyon mo, dahil napakaraming intriga ang naghihintay sa iyong pagbabalik o babalik ka pa nga ba?

Paano mo masasagot ang balitang isa ka sa dahilan ng pagkatalo ni Manny Villar bilang presidente? Ayon kasi sa aking parazzi girl ay isa raw ito si Willie sa mga pumipili ng mga media people para kay Villar.

ADVERTISING

Sa dami ng press people na humigit kumulang sa 500 ay 30 lamang ang pinili nila. ‘Yung mga sikat lamang at mga alipores ni Willie. Sa pagbuntot-buntot lamang sa kampanya ay P5,000 na agad kapag sa Metro Manila at P10, 000 naman ‘pag out of town at libre lahat ang pamasahe, pagkain at accommodation. ‘Di ba bongga?!

Kung ako nga naman ay talagang mapapa-wow ako! Ngunit teka, nakasisigurado ba sila na talagang sinusulat ng 30 press people itong si Villar sa mga dyaryo at siya nga ba talaga ang ibinoto?

Iyan ang isang pagkakamali ng mga kilalang tao, minamaliit nila ang mga simple at mapagkumbabang press people na hindi nila alam na mas marami pa ang koneksiyon upang makatulong sa kanila.

Hindi nila gayahin itong si Sen. Bong Revilla na kapag nagbigay ay lahat meron, patas-patas lamang. Hanggang ngayon ba ay hindi pa rin nila alam ang kalakaran dito sa showbizness? Kaya ano sa tingin nila ang ginawa nitong 470 press people na binalewala nila? Malamang

ay bumaliktad at doon napunta kay Noynoy. ‘Di ba?!

NGAYONG NANGUNGUNA NA si Noynoy Aquino sa pagkapangulo ay marami na ang nagtatanong tungkol sa kapatid niyang si Kris Aquino kung paninindigan ba niya ang sinabi niya umano na kapag nanalo daw itong si Noynoy ay doon na siya maninirahan sa ibang bansa kasama ang kanyang mga anak.

Tanong ko lang? Itong mga taong nagtatanong na ito ay marunong bang umintindi ng napakasimpleng statement? Helow! Hindi dinirektang sinabi ni Kris na kapag nanalo si Noynoy ay fly na siya sa ibang bansa, kundi ang nais niyang iparating ay kung siya lamang ang patuloy na tinutuligsa ng mga tao samantalang hindi naman siya ang tumakbo sa pagka-presidente ay mas gugustuhin pa niyang tumira sa ibang bansa kaysa ganu’n.

O, anong mahirap intindihin du’n?! Excuse me pow! At tsaka anong problema nila kung may bagong bansag na kay Tetay? Siguro insekyora lang ang mga iyon. Kunsabagay, kung ako nga naman ay maiingit kung ang titulong iyon ay… FIRST SISTER!! Bonggacious!

AT HUWAG N’YO pong kalimutan ang aking OLA CHIKKA PRODUCTIONS para sa advertisement, guesting, exposure, shows at everything regarding entertainment. For inquiries just call us at 417 6181 at 0927 428 4216. Nais ko lamang pong linawin na hindi ko po personal numbers ang mga iyan.

Lahat ng iyan ay office numbers kaya para sa mga updates sa akin at comments, maaari po kayong mag-send sa akin ng e-mail sa tita_s2006@yahoo.com. Maraming salamat

po and God bless us all!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING