Willie Revillame, handang magpakumbaba sa Dos

ADVERTISING

Willie Revillame, handang magpakumbaba sa Dos

Willie-RevillameUNTIL NOW, tinatanaw na utang na loob ni Willie ang pagbibigay sa kanya ng Dos ng noontime show.

Sabi niya, nabili niya ang lupang kinatitirikan ng Wil tower dahil sa Wowowee.

“Ngayon naman, nu’ng lumipat naman ako (sa Singko), nakabili naman ako ng eroplano. Nakabili naman ako ng mga lupa sa Tagaytay na pinapatayuan ko naman ng five-star hotel ngayon,” sabi ni Willie sa Christmas Wish album launch niya.

“’Yung mga istasyon na ‘to, nabigyan ako ng magandang buhay,” he acknowledged. “At siyempre ‘yung mga kababayan natin na talagang nagmahal sa akin.”

ADVERTISING

Willing si Willie na makipag-ayos sa Dos. “Ako naman, wala naman akong hinanakit, eh. Kung nangyari man ‘yon, puwede naman akong magpakumbaba, humingi ng tawad kung sino ang nasaktan, kung sino man ‘yan. Alam mo, laging nasa puso natin, forgiveness, eh. Kung nagkamali ako, pasensiya na, ganu’n talaga.”

Kung may possibility na makabalik siya sa Dos ay gusto pa rin ni Willie ang Wowowee concept. “Kung sino man ang tumulong sa akin sa 2014, basta gusto kong programa, parang Wowowee pa rin. Opening, sumasayaw, kumakanta. Gusto ko nakikita ‘yung mga nanay, lola… At nagbibigay ng papremyo, ng jacket, bigay ng cellphone, bigay ng pera…‘yun ang gusto ko.”

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING