Willie Revillame, gustong gawing sunud-sunuran si John Estrada at Randy Santiago?!

ADVERTISING

Willie Revillame, gustong gawing sunud-sunuran si John Estrada at Randy Santiago?!OLA CHIKKA! WELL, infairness, ang chikka natin ngayon ay nakawiwindang talaga, kasi at to the highest level na grabe ang hinanakit ni Willie Revillame kina John Estrada at Randy Santiago, dahil tinanggap ng dalawa ang alok ng Dos sa kanila. Nagulat daw si Willie kung bakit tinanggap ng dalawa, kasi inaayos daw niya ang magiging show ng dalawa sa Kapatid Network. Haller?! Ok ka lang?

Ang sinasabi ng karamihan, hindi raw plastic si Willie kaya niya nasabi ang mga hinanakit  niya, eh parang ang lumalabas ay bitter na bitter siya. Kaibigan niya ang mga ‘yun, dapat ay mauunawaan niya ang mga ganu’ng bagay, dahil pare-parehas silang nagtatrabaho. Bakit kai-langang siya ang sundin ng mga kaibigan, ‘di ba? Ano ‘yun, nagbo-boss-bossan, hahaha! Buti na lang may sariling desisyon ang dalawa.

ADVERTISING

Kaya pala nang makita ko si Randy nu’ng mga nakaraang araw, niyakap niya ako at kinumusta. Nu’ng kinumusta ko, ang sagot lang  niya sa akin, may inaasikaso siyang magandang pro-ject. Hmmm… ‘Yun na nga ‘yun! For sure magki-click ang noontime show ng dalawa, ‘di ba?

At ang advice ko lang sa dalawa, ‘wag na silang tumulad sa kanilang kaibigan na parang nanunumbat pa ang dating, ‘di ba? Ang taray!

AT KUMUSTA NAMAN itong sina Piolo Pascual at KC Concepcion nu’ng nakaraang interbyu sa kanila sa Dos? Kalerki! Inamin na nila sa publiko na sila na raw!

ADVERTISING

As if naman, hahaha! Parang hindi ako kinikilig sa sistema nilang dalawa, at bakit ngayon n’yo lang inamin, ‘di ba? Ano ba naman ‘yan? Tsk, tsk!

For sure, press release na naman nila ‘yun, kaya kahit anong gimik na lang ay papatusin na ng dalawa para mapag-usapan sila. Hmp! Hindi naman sila bagay… mas bagay kami ni Piolo! Hahaha!

Siyempre ang sagot ng madir, okey lang, dahil magiging magandang impluwensiya si Papa P kay KC. Hmmm… ano’ng ibig sabihin nu’n, may pagka-bad girl ba itey? Hahaha!

BLIND ITEM: SINO siya? Sinetch itetch? Isang dating award-winning child actor na tunay na masasabing mahusay sa kanyang bawat pagganap, mapa-pelikula man o telebisyon ang biglang nawala sa limelight.

Balita kasing umuber na kasi sa pagkapasaway ito at hindi sinisipot ang calltime ng kanyang programa, na sa murang edad ay isa nang father dear, dahil naka-juntis.

Diumano, napapabalitang nakikipaglandian ito ngayon sa isang stand-up comedian, at more and more usap nga sila sa Twitter. Ala-ngan namang hindi sila magkaroon ng personal message sa bawat isa, ‘di ba?

At ang eksena rito, nais daw perahan ng dating child actor si stand-up comedian para may panggastos ito sa kanyang junakis, dahil kakaunti pa lang ang project ni dating child actor. ‘Yun na!

Clue? Si child actor ay tunay na mahusay at walang duda, at siya ay nakapaghakot na ng mga award nu’ng bagets pa siya. Si comedian naman, ang pangalan ay puwede sa lalaki at puwede rin sa girlassshhh, pak!

At antabayanan na lang ang aking programa sa DWSS 1494 KHZ, simula Lunes hanggang Biyernes sa ganap na 11:30-12:00 ng tanghali, kasama ang aking anak na si Lady Camille, at subaybayan din tuwing Linggo sa DZRH 666 KHZ tuwing Linggo, 2:30-3:30 ng hapon. BADJAO!

Willie Revillame, gustong gawing sunud-sunuran si John Estrada at Randy Santiago?!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING