Willie Revillame, gusto nang maging daily ang game show

ADVERTISING

Willie Revillame, gusto nang maging daily ang game show

Willie-RevillameMABUTI NA lang at nadalaw ko si Willie Revillame sa taping ng Wowowin niya at doon ko nakita kung gaano sila ka-organize sa pagpapasok ng audience.

ADVERTISING

Maliit lang kasi ang studio kaya hindi talaga nila ma-accommodate ang sobrang dami ng taong dagsa sa kanilang studio. Kaya hinahati-hati lang nila ang mga audience kapag taping day.

Kaya gusto sana ni Willie na maging daily na sila para mas maraming taong makapupunta, marami silang mapasasaya, at matutulungan.

Ang alam ko, magkakaroon sila ng Wowowin sa Rizal Park para makapunta na ang lahat ng gustong makisaya sa programa ni Willie.

ADVERTISING

Ang isa pang dinig ko, lalong dumarami raw ngayon ang subscriber ng GMA Pinoy TV dahil sa Wowowin.

Kaya gusto na rin ni Willie na makapag-show sa ibang bansa para ma-promote ang Wowowin niya at ang GMA Pinoy TV.

Mas bongga kung maging daily na ito. Sana nga maayos na ito ng GMA 7.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING