Willie Revillame, ‘di totoong mayaman?! – Tita Swarding

ADVERTISING

Willie Revillame, ‘di totoong mayaman?! – Tita SwardingOLACHIKKA! NALOKA AKO sa aking Parazzi Girl dahil nakalkal niya ang kung ano ang meron ang isang TV host na si Willie Revillame,huh! Bukod sa puro bayaran ang mga raliyista ni Willie na 200 pesos ang bawat isa para lang isigaw at mag bitbit ng placard na “We miss you Willie at Hindi ka nag-iisa”, bukod sa bawat sigaw at tayo nang maghapon sa labas ng Wowowee ay libre ang kain at meryenda.

Pero ngayon ay itsinika niya sa akin na meron palang tao sa likod ng katauhan ng isang Willie Revillame  dahil ang kanyang mga kayamanan na sinasabing sa kanya ay puro lang pala ka-echosan.Hmmm.. Diumano, isa lang dummy  itong si willie. Ang mga yaman na nakapangalan umano sa kuning-kuning na TV host ay kayamanan pala at datung ng isang pulitiko. Ipinangalan lang daw ito kay Willie upang hindi ito mahabol at hindi magaya rin ng isang politiko na na-question ang assets at disability. Hmmm… Kakaloka ha! Kaya ‘yung mga mga mamahaling bahay,sasakyan,at ang mga mahal na yate ay makuha kaya ni Willie nang ganu’n-ganu’n na lang, eh, bago pa lang ang kanyang programang Wowowee. Kaya marami na rin ang nag-iisip at naloka dahil bukod sa yabang ni Willie lumaki pa ang ulo nito at sobrang angas na kung umasta. Ilang taon na ang kalabang noontime show at wala pa ang Wowowee, nandiyan na ang Tito,Vic,and Joey, pero nakabili ba sila ng mamahaling yate? Samantalang si Willie, bago palang ang Wowowee ay ganu’n na agad siya kayaman. Tsika ng aking Parazzi Girl, bukod sa malakas ang kapit ni Willie sa management ng ABS-CBN, hindi pwedeng kunin ni Manny Villar na ka-tiket si Willie sa pulitika dahil ang manager nito ay asawa nga ng isang makapangyarihang pulitiko at tatakbo rin sa pinakamataas na posisyon.

ADVERTISING

Nakakaloka ,ha! Maganda ang nag-isip ng idea para kay Willie upang mabola ang mga tao at maniwala sa kanya. Kalerke, ha! Iinuulit ko, wala po akong galit sa ‘yo.Inilantad ko lang kung ano ang nararamdaman ko at naibalita mismo ng aking impormante. ‘Yun na!

MARAMI ANG NANGHIHINAYANG at hindi nakasama sa top 5 o kahit top 10 or 15 ang pambato ng bansa na si Pamela Bianca Manalo. Nakakaloka, ha! Tuloy binansagan agad ang beauty queen ng pamela natalo. Ha! Ha! Ha! Hoy, kahit ganu’n,ginawa niya ang best niya, noh, upang maipakita ang ganda ng Pinay. Pero ang nakakaloka sa mga national costume at naintriga ako ay ang Filipino costume na ginamit ng Miss Guam, as in Filipiniana dress mga kafatid.Nakakalerke! Ha! Ha! Ha! Sunod at first time na nangyari na magkasunod na taon nasungkit ng bansang Venezuela ang korona ng Miss universe. Bongga, ha! Pero pasok sa top 5 ang Puerto Rico na nasungkit ang panglima at pang apat ang Austrilia, sinundan ng Kosovo at pangalawa ang Dominican Republic at ang tinanghal na bagong reyna ng kagandahan ng mundo ay ang Venezuela. Bongga, di ba? Pero congrats pa rin kay Pamela Bianca Manalo. ‘Yun na!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING
ADVERTISING