Willie Revillame, co-hosts sina Ai-Ai delas Alas at Mariel Rodriguez sa bagong game show sa Siyete

ADVERTISING

Willie Revillame, co-hosts sina Ai-Ai delas Alas at Mariel Rodriguez sa bagong game show sa Siyete

Mariel-Rodriguez-Ai-Ai-delas-Alas-Willie-RevillameI’M SURE, super excited na ang mga fans ni Willie Revillame sa kanyang pagbabalik-telebisyon matapos itong makipagpirmahan sa mga bossing ng GMA, kung saan simula sa April 26 (Sunday), mapapanood na ang kanyang bagong game show na Wowowin na isang blocktimer sa Kapuso Network.

Sa katunayan, bago pa man nagbakasyon at nangilin ang publiko para sa Semana Santa last week, abala na ang mga karpintero at tagapukpok ng martilyo na matapos nila bago mag-April 15 ang set ng kanyang show para makapagsimula nang mag-technical rehearsal at magamit na rin ni Willie ang studio na ipinatayo niya para sa dance rehearsal ng kanyang grupo na magsisimula na sa April 26.

Sa may bandang Kalayaan Avenue sa may Kyusi ang lokasyon ng studio na gagamitin ni Willie para sa kanyang weekly Sunday game show na partly ay makakain ang first part ng showbiz talk show na The Buzz nina Kris Aquino at Boy Abunda ng Kapamilya Network.

Sa bagong show ni Kuya Will, may nagsabi sa amin na magiging part ng palabas ang mga salitang “jacket” at “five thousand pesos” na naging bukambibig ni Willie during his shows noon pa man. Nais ng creative team ng Wowowin na maging regular segments ng show ang dalawang bukambibig na ito ng host-comedian sa muli niyang pagbabalik-telebisyon matapos ang ilang panahon na pamamahinga.

ADVERTISING

Sa pagbabalik natin muli sa showbiz after the Holy Week, heto’t bumulaga na ang balita sa amin na no less than comedienne Ai-Ai delas Alas ang magiging co-host ni Willie, bukod sa muling pagbabalik-telebisyon din ni Mariel Rodriguez matapos huling napanood sa istayon ni MVP.

Ang balitang nakarating sa amin, that we need to confirm sa mga insider ng produksyon, na kaya tahimik lang ng kampo ni Ai-Ai at magpasahanggan ngayon ay hindi pa rin pumipirma sa GMA Network tulad sa mga kumakalat na mga balita na hindi na nga ito nag-renew ng kontrata sa Kapamilya Network (may offer ba kay Ai Ai ang mga bossing ng ABS-CBN?) ay dahil ito ang balitang puputok sa muling pagbabalik ng sigla ng showbiz after nating mangilin ng ilang araw.

Sa kampo ni Mariel, ang balita na nakarating sa amin, after magkaroon ng miscarriage ang misis ni Robin Padilla ay bumabawi lang ito ng kanyang lakas, si Mariel mismo ang personal choice ng host-comedian na makasama sa muli nitong pagbabalik-telebisyon.

‘Pag nagkataon, maganda ang kombinasyon ng tatlo: Willie, Mariel at Ai-Ai. Bago sa paningin at timpla. Interesting ‘pag nagkataon.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING