Willie Revillame, bukas sa lahat ng pulitiko – Cristy Fermin

ADVERTISING

Willie Revillame, bukas sa lahat ng pulitiko - Cristy FerminWillie Revillame, bukas sa lahat ng pulitiko - Cristy FerminNAKARATING NA SA kaalaman ni Korina Sanchez ang pagdalaw ni Senador Manny Villar sa matagumpay na show ni Willie Revillame sa Agro Football Field sa Davao City.

Ang pabirong mensahe ni Korina kay Willie, “Aba, teka naman muna. Mukhang hindi na makatarungan ‘yan!”

ADVERTISING

Pero maagap naman sa pagpapaliwanag ang aktor-TV host na wala siyang pinapaborang kandidato sa panguluhan, nagkataon lang na may ginaganap na billiard competition sa Davao nu’ng panahong nandu’n din siya, kaya nu’ng malaman ni Senador Villar na meron siyang show ay nagpunta ito du’n kasama ang ilang kampeon sa pagbibilyar.

Pare-pareho silang nabasa, natanggalan kasi ng bubong ang entablado, kaya puwedeng pilipitan ang kanilang mga suot sa sobrang lakas ng buhos ng ulan.

Kung meron mang dapat mangimbulo kay Senador Villar, kung pinlano man nito ang pagpunta sa show ni Willie, ay walang iba kundi si Vice-President Noli de Castro.

ADVERTISING

Ang manager ni Willie ay ang misis ni Kabayang Noli, pero alam ni Tita Arlene ang nangyari, hindi sinasadya ang pagpunta ng senador sa show ni Willie.

Birong-totoo naman ang kay Korina, kaya ang hiling ng palabang news anchor kay Willie, ang i-host niya naman sana ang pagkain sa bayan nina Senador Mar Roxas at Korina sa araw ng kanilang kasal sa October 23.

Ayon naman kay Willie ay puwede siya kahit kanino, lahat ng nangangailangan ng kanyang tulong at serbisyo ay maaari niyang pagbigyan, wala pa raw siyang partikular na kandidatong binibiyayaan ng kanyang solong pagsuporta sa darating na eleksiyon.

“’Yung pagdalaw sa akin ni Senador Villar sa Tagaytay, sadya ‘yun, kinumusta niya talaga ako. Pero itong sa Davao, nagkataon lang ‘yun, napadaan lang siya sa show ko.

“Pero umuwi rin silang basang-basa nina Efren “Bata” Reyes, nadamay sila sa matinding pagkabasa, dahil naalisan ng bubong ‘yung stage! Grabe ang show na ‘yun, hindi namin akalaing ganu’n karami ang manonood.

“Ang nakapuno lang daw dati nu’n, isang religious group, pero mas marami ang audience namin dahil umabot ng 120,000 ang nagpuntahan sa show namin sa Agro.

“Maraming salamat sa kanilang lahat, very remarkable sa akin ‘yun dahil mula nu’ng hindi na ako nag-report sa Wowowee, ‘yun ang unang-unang public appearance ko,” sinserong pahayag ni Willie Revillame.

Read Cristy Fermin’s Blind Item: Aktres, balik sa paglaklak ng sleeping pills?

Cristy Per Minute by Cristy Fermin

ADVERTISING