Willie Revillame bought an airplane!

ADVERTISING

 Willie Revillame bought an airplane!

 Willie Revillame bought an airplane! ISANG EROPLANO NAMAN diumano ang nadagdag sa listahan ng pagmamay-ari ng sikat at kontrobersiyal na personalidad na si Willie Revillame.

ADVERTISING

Finally, nabili na raw ng TV host-actor-singer ang huling eroplanong tinignan at sinubukan nito na tila nag-test drive kasama ang kanyang mga kaibigan.

Kung hindi kami nagkakamali, nu’ng Martes, May 31, lang nagkaayusan ng transaksyon.

Agad din daw pina-bless sa isang pari nu’ng araw ring ‘yon ang ngayo’y private plane ni Wil.

ADVERTISING

Bago nakabili ng eroplano si Willie Revillame nu’ng Martes, nag-cruise muna ito gamit ang kanyang yate mula Manila Yacht Club papuntang Corregidor Island para sa 10th wedding anniversary ng kanyang kaibigang si Aga Muhlach at asawa nitong si Charlene Gonzalez nu’ng Linggo, May 29.

Kasama rin sa island getaway ang mga anak ng mag-asawa na sina Andres at Atasha Muhlach, ama ni Aga na si Cheng Muhlach, anak n’yang si Igi Boy at asawa’t anak nito, ang bagong kasal na kapatid n’yang si Albert Muhlach at misis na si Nikki, ang Tito n’yang si Alex Muhlach, ang pinsan n’yang dating child superstar na si Niño Muhlach at anak nito, ang anak ng kanyang Tita Amalia Fuentes at pinsan n’ya ring si Liezl Martinez with husband, Albert Martinez, and youngest daughter, Alissa Martinez.

Join din ang common friends nina Aga at Willie na sina Louie at Karen Martinez.

Sa yate na habang nasa dagat sa Corregidor Island nagkainan buong araw ang grupo nina Wil, Ags at Char (mga palayaw nila) na nagmistulang family bonding at reunion ulit.

Picture-taking, kuwentuhan, swimming at jetski ang ilan din daw sa ginawa nila.

Gabi na raw nang makabalik sila ng Maynila.

 

MATAPOS MAKITA AT marinig ang buntis na si Regine Velasquez na nakipag-duet sa asawa nitong si Ogie Alcasid bilang sorpresa at regalo sa mag-asawang Sen. Bong Revilla at Congw. Lani Mercado na ikinasal muli para sa kanilang silver wedding anniversary nu’ng Sabado, May 28, ng gabi, kinumpirma na umano, ayon sa aming source, ng The Songwriter at Original Pilipino Music (OPM) president ang muling paglabas ng kanyang misis in public bilang isa sa magiging judge sa darating na Grand Finals night ng OPM@PAGCOR, a nationwide search for the total OPM performer, na gaganapin sa June 10 (Saturday, 8 pm, at the PAGCOR Grand Theater of Airport Casino Filipino in Parañaque City).

Hopefully, hindi lang mag-judge ang Songbird sa Grand Finals night, makapag-perform din sana ito kung kaya pa n’ya dahil sa kanyang kundisyon.

Bukod sa naglalakihang papremyo, malamang, matutuwa lalo ang 14 grand finalists ng nasabing singing contest ‘pag nalaman nila ito, dahil makakasama nila ang isa sa iniidolo nilang mang-aawit.

Dahil dito, kapwa nagpapasalamat sa isa’t isa sina Ogie at PAGCOR’s assistant vice president for Entertainment na si Bong Quintana para sa kani-lang magandang partnership para sa proyektong ito.

 

Makinig ng Wow! Ang Showbiz! with Ms. F as in Fernan de Guzman, Mimi, and yours truly over at DWIZ 882 KHZ on AM band, Monday to Friday, from 11 AM to 12 NN or log on to www.DWIZ882.com. Follow me on Twitter, too, @francissimeon. Maraming salamat po!
Franz 2 U
by Francis Simeon

ADVERTISING