Willie Revillame, bongga ang pasabog sa pagbubukas ng bagong game show

Willie Revillame, bongga ang pasabog sa pagbubukas ng bagong game show

Willie-RevillameAFTER ONE year and seven months ngang pamamahinga sa telebisyon, balik uli si Willlie Revillame via Wowowin. As usual, bonggang pasabog ang opening number na sandamakmak ang dancers. At walang uuwing walang jacket ang mga audience.

Speaking of jacket, naging segment contest na rin ang ‘Bigyan ng Jacket ‘Yan’ na ang pinakamalaking panalo ay P200-K.

Mukhang sobrang na-miss ni Willie ang pagho-host dahil nga kitang-kita ang kanyang sigla.

Pero kung ako ang tatanungin, mas okey kung live ang kanyang bagong programa. Mas enjoy…

At ang nakakalokah, walang commercial ang unang pasabog.

Wish ko ay tumagal na sa GMA 7 ang ka-birthday ko na si Willie.

by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!