Willie Revillame, babalik na sa Wowowee – Ogie Diaz

ADVERTISING

Willie Revillame, babalik na sa Wowowee – Ogie Diaz

Willie Revillame, babalik na sa Wowowee – Ogie DiazSA SEPTEMBER 21 na ang balik ni Willie Revillame mula sa “engrandeng bakasyon” na ibinigay niya sa kanyang sarili at ibinigay din sa kanya bilang “parusa.”

ADVERTISING

Pero baka isipin n’yo, deadma ang ABS-CBN, ha?  Aware naman sila na ang dami pa ring galit kay Willie sa naging attitude niya on air nu’ng nag-video insert ng paghahatid kay Tita Cory sa Manila Cathedral.

Heto nga lang na balitang babalik na si Willie, parang nagkaroon na naman ng himagsikan sa mga forums sa internet, eh.

Ewan kung okay na kay Willie ang bumalik sa September 21 o ipagpapaliban muna niya uli.

ADVERTISING

Baka magkaroon naman ng “martial law,” ‘wag naman.

Kung meron naman kayong Signal TV Channel 35 (lalo na sa bandang South–Pasig, Pateros, Bicutan, Paranaque, Las Pinas, Alabang, Muntinlupa, Laguna, etc) ay watch n’yo naman ang talk show namin nina Maui Taylor at Dolly Anne Carvajal, ang Stop, Talk & Listen seven days a week, 6 a.m., 6 p.m. at 12 mn.

Ang dami nang nagpe-facebook sa amin na napapanood kami at aliw na aliw sila, dahil ang gaan-gaan lang ng programa.  Walang isyung tinatalakay, pero “makabuluhan” daw.  Gano’n?

Ang tanong, me Paranaque Cable ba kayo?  Hahaha!

Read Ogie Diaz’ Blind Item: Young actor, sabog sa marijuana nang magpahagip sa bading

‘Wag n’yong kalilimutang makinig palagi sa “Wow! Ang Showbiiiz!” sa dwiz 882 sa inyong AM station at maririnig din sa www.dwiz882.com, 11-12n.

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING