Willie Revillame, ayaw pa rin ng mga tao – Tita Swarding

ADVERTISING

Willie Revillame, ayaw pa rin ng mga tao – Tita Swarding

Willie Revillame, ayaw pa rin ng mga tao – Tita SwardingOLACHIKKA. SIGURO TUWANG- tuwa ang batang naglathala ng mensahe isang site sa internet kung saan galit na galit ang bata sa TV host na si Willie Revillame. Hindi nga naman talaga magandang ehemplo ang mayabang na TV host sa mga kabataan kaya ayon sa isang bata na nagpakilala bilang Chloe Ronquillo, inilabas niya ang kanyang saloobin sa internet  na lang at marami nga ang nakakabasa sa mensahe nito. Ano naman kaya ang palusot ng kampo ni Willie sa isyung ito? Wala pang isang linggo ay ito na naman, hindi na mabilang sa daliri ang inihampas ng mga ayaw kay Willie dahil nga naman ito ay totoo tulad na lang kay Martin D na isang DJ. Hindi siya makapagsalita sa ere na ayaw niya sa TV host. Hindi naman sinisiraan ng magaling na DJ si Willie kundi sinabi niya lang kung ano ang kanyang karanasan sa mayabang na si Willie, at hindi man niya pinangalanan si Willie pero nagpaka totoo ito. Prangka ika nga. May respeto ang magaling na DJ dahil bukod sa isang istasyon lang sila,hindi niya ladlarang isinigaw ang pangalan ng mayabang na TV host. Respeto na lang sa istasyon kaya hindi niya binangit ang name ng kuning- kuning na TV host at hindi lang si Willie ang galit. Hindi na mabilang sa daliri ang galit sa kanya. Sa MTRCB  ay may kaso rin itong nakabinbin doon at ngayon ang panibago ay sa isang 12 years old na bata na sobra’ng galit sa TV host dahil sa sinabi nito sa ere na may ibang babae ang ama ng bata. Kaya, hayun, halos hindi na pumapasok ang bata sa paaralan dahil kinukutya ito ng mga kaklase. Anak ng kumpare ni Willie ang nagpadala ng mensahe. Naku, ha! Kumpare mo inilaglag mo sa ere. Kahit sa anong larangan papasok si Willie,ayaw sa kanya ng mga tao. Ayon nga sa survey ng PEP, hindi nga umabot sa 10 percent na gusto nila si Willie pumasok sa politics. Kalerke, ha!

ADVERTISING

“Naku, Tita Swarding, ni English nga niya sa Wowowee baluktot pa,” tsika ng aking Parazzi Girl. Hmmmm…No comment.

Read Tita Swarding’s Blind Item: Aktor, type tikman ang anak ng direktor?

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING
ADVERTISING