Willie Revillame’s camp insists there is no child abuse in Jan-Jan’s case!

NAKU, HUH! LUMALAKI na ang isyung ito ni Willie Revillame kaugnay sa pagsayaw ni Jan-Jan na mala-macho dancer na ikina-react nang husto ng mga bumabatikos sa kanya.

Hindi nakasipot si Willie sa presscon dapat nito nu’ng kamakalawa ng hapon kaya ang abogado na lang nito at ang humarap at ang Business Unit Head ng Willing-Willie na si Jay Montelibano.

Ang sabi, susunod si Willie, pero hindi na ito natuloy dahil ang nakarating na kuwento, tumaas na raw ang blood pressure niya pagkatapos ng kanyang meeting.

Maayos namang ipinaliwanag ng abogado ni Willie na walang child abuse na nangyari sa pagsayaw ni Jan-Jan sa episode na ‘yun.

Talagang ganu’n lang daw sumayaw ang bata at sa katunayan, may ipinakita pa silang video clip ng bata nu’ng 4 years old pa lang siya na ganu’n na siya sumayaw sa isang program sa school nito.

Obvious na paninira lang daw ito sa kanya at gusto lang siyang pabagsakin.

May lumabas pa ngang kuwentong me-ron daw kumausap sa magulang ni Jan Jan at nag-alok ng isang mil-yong piso para sabihin lang daw na na-abuse ang bata.

Lumalala na ang isyung ito dahil ang dami nang nakisakay.

Pati raw mga advertisers, balak daw siyang i-ban at ipinapaliwanag na ito ng MTRCB.

Pati ang DSWD ay umaksyon na rin, na sa totoo lang ang daming mga batang naabuso diyan at naghihirap, huh!

Ang dami ngang tumitira kay Willie, pero marami namang sumusuporta sa kanya at nakakaintindi sa kalagayan nito ngayon.

Kahit ano pang sinasabi nila, tingnan naman ninyo ngayon ang batang gusto n’yong protekta-han. Masaya siya at suportado nila si Willie.

MARAMI ANG NAIYAK nang mag-guest si Ali Sotto sa Startalk nu’ng nakaraang Sabado dahil sa kuwento ni Oyo Sotto nu’ng nakaraang wedding niya, kung saan feeling nila, nagparamdam si Miko Sotto.

Sinabi pa ni Oyo na na-miss nila noon si Miko kaya hindi na napigilan ni Ali na maiyak.

Ang sabi niya, hanggang sa huling sandali nito, dala pa rin nito ang pagka-miss kay Miko. Pero nang nakasanayan na raw niya ang pain na naramdaman niya, doon na raw niya nalagpasan ang lahat at natanggap na wala na nga talaga si Miko.

Nagbabalik na ngayon si Ali sa GMA-7 sa kanyang showbiz-oriented talk show na Starbox na magsisimula na ngayong umaga, Lunes hanggang Biyernes.

Kasama niya rito ang sikat na radio jock na si Papa Jack at ang kambal ng XLR8 na si MJ at MM.

Pagkatapos ng Starbox, susunod na rin ang Family Feud na ihu-host ni Edu Manzano.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

Previous articlePinoys in Canada and all over the world saddened by Thia Megia’s ousted at American Idol!
Next articleBea Alonzo still wishes to finish schooling

No posts to display