William Martinez, inaming matagal na silang hiwalay ni Yayo Aguila; mga anak, ‘di kayang sustentuhan

William Martinez, inaming matagal na silang hiwalay ni Yayo Aguila; mga anak, ‘di kayang sustentuhan

William-Martinez-Yayo-AguilaIPINAGTAPAT NI William Martinez sa press na matagal na silang hiwalay ni Yayo Aguila at ang apat nilang anak ay nasa poder ni Yayo, dahil wala raw siyang kakayahang buhayin ang kanilang mga anak.

“Matagal na kaming hiwalay ni Yayo. May iba na siya,” say ni William.

Sa tanong kung sinusustentuhan ba niya ang kanilang apat na anak ni Yayo?

“Hindi. Wala akong kakayahan sa ngayon. Binubuhay ko lang ang sarili ko. Pero malapit lang ang bahay ko sa kanila. Kung minsan dinadalaw ako ng mga anak ko. Nagkakausap kami ni Yayo kapag tungkol sa mga anak namin ang pag-uusapan.”

Tungkol naman sa kasong isinampa nilang demanda kay Baron Geisler dahil sa ginawang pagmomolestiya ng actor sa kanilang anak ni Yayo na si Patricia, “Natalo si Baron sa kaso. Kasi nga grabe pala siya kapag nalalasing kaya inireklamo ng anak ko.”

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo