Ruffa Gutierrez, todo deny pa rin! by Ogie Diaz

ADVERTISING

Ruffa Gutierrez, todo deny pa rin! by Ogie Diaz

Ruffa Gutierrez, todo deny pa rin! by Ogie DiazAS FAR AS WE KNOW, two weeks na mawawala si Willie Revillame sa Wowowee.  Siya na ang nagkusang mag-leave pansamantala, dahil “medyo mainit” sa kanya ang publiko kaugnay ng diumano’y “statement” na idinayalog niya nu’ng Monday sa Wowowee kung saan inihahatid ang mga labi ni Pres. Cory Aquino sa Manila Cathedral.

ADVERTISING

May nag-suggest ke Willie na ‘wag na muna siyang magsasalita ngayon.  Hayaan niyang sina Mr. M (Johnny Manahan, the director of Wowowee) ang magtanggol sa kanyang ipinupunto.

Anyway, si Kris Aquino yata ay handa ring ipagtanggol si Willie, “Dahil alam ni Kris na walang intensiyon si Willie na bastusin ang nanay niya.  Si Tita Cory pa na laging binabati ni Willie sa show ang babastusin niya, di ba?”

Siguro nga ay nagkamali lang ng mga salitang gagamitin si Willie nu’ng time na ‘yon, kaya hindi rin masisisi ni Willie kung “nagalit” instantly sa kanya ang mga tao.

ADVERTISING

Pero sana nga, malampasan ni Willie ang pagsubok sa kanyang ito ni Lord.

NAKAKAALIW SI RUFFA Gutierrez.  Ilang beses na kaming nagteteyping ng Ruffa & Ai bilang guest at sobrang busy palagi si Ruffing sa kate-text.  Tinutukso na nga namin siyang si John Lloyd Cruz ang ka-text niya, pero deadma lang ang lola n’yo.

Sabi namin sa kanya, sina Ninoy Aquino at Cory Aquino talaga, true love dahil namatay si Ninoy ng Aug. 21, 1983 samantalang si Tita Cory, Aug. 1, 2009 sa ganap na 3:18 a.m.

Tanggalin daw ang dalawang “zero” at lalabas na Aug. 21, 1983 na sila pareho.  So that’s true love, di ba?  Samantalang sina Ruffa and John Lloyd, magka-birthday sila, June 24….

“Eh, bakit sina Aga Muhlach at Marian Rivera, Aug. 12 ‘yon, ba’t hindi sila nagkatuluyan?”

Ibahin ba talaga ang usapan?  Ha! Ha! Ha!

Read Ogie Diaz’ Blind Item: Young actor, nagpasilip ng ‘notes’ sa bading here.

‘Wag n’yo palang kalimutang ugaliing makinig sa «Wow! Ang Showbiiiz!» sa dwiz 882 sa inyong AM station at maririnig din sa www.dwiz882.com, 11-12nn.

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING